-Sofia- Ang dami nang nagconfess, at ang dami na ring uminom. At halos lahat kami ay lasing na. Ako, habang hawak ang lata ng beer sa kamay ko ay halos blurred na ang paningin sa sobrang daming nainom. At ngayon nga ay nakaturo sa akin ang bote pagkatapos paikutin ni Vincent ito. It’s time for me to confess. “Sofia, you have to focus. It’s your turn.” Vincent snapped at me playfully, pulling the sleeve of my hoodie. Tinignan ko siya at nakadapa siya sa buhangin sa tabi ko. I looked back at the fire that was slowly, but steadily dying. Lahat sila ay nakatingin sa akin at hinihintay akong magsalita. “Okay, uhmm… never have I ever…” napahinto ako. Ayokong magbigay ng too much info about myself. Ako na ang may pinakamaraming nainom at tawang-tawa sila sa akin dahil sa mga isinasagot ko. “

