-Sofia- Halos lakad-takbo ang ginawa ko para makauwi agad sa bahay ni Josh, pero pagdating sa harap ng gate, nakita ko ang isang lalaking naka-cap ng itim at nakasuot ng hoodie na kulay gray. Mukha siyang nangangalakal ng basura. Isang sako sa tabi ang binubulatlat niya at may nakaparadang tricycle na walang bubong sa tabing kalsada. Binuhat niya ang sako at saka isinakay sa kanyang tricycle, pero bago siya umalis, lumingon muna siya sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil medyo madilim, at saka natatakpan ng sumbrero ang kalahati ng mukha niya. He bowed slightly at me and I swear that I could see a smirk plastered on his face. Napaatras ako. Bakit niya ako ngingisian ng ganon? Kilala niya ba ako? Wait. He looked familiar. I know I had definitely seen him somewhere, causing me

