-Sofia- “What the hell are you doing here?” itinulak ko si Josh palayo sa akin, pero hindi niya ako binitawan. Nakapulupot pa rin ang mga braso niya sa bewang ko. “Bro, let go of her! Ayaw niyang sumama sa’yo!” sabi ng lalaking kasayaw ko. “Huwag kang makialam dito. She's my sister!” singhal niya at malalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. Sister? Sira na ba abg tukt0k nitong si Josh? “Oh, I’m sorry.” The guy raised his hands in surrender, at nagsimula na itong maglakad paatras. “Hey, don’t go away! He’s not my brother! He’s lying!” I screamed, pero umalis na ito at iniwan ako kay Josh. “Let’s go home, Sofia. Marami ka nang naiinom!” hinila niya ako sa kamay. “Ano bang pakialam mo.” I jerked his hand away. “Gusto ko pang mag-inom. Ikaw ang umuwi! Uwi! Iwanan mo ako, please

