-Sofia- “Naku! Sorry, Sofia.” napatayo din si Jim, at hindi malaman ang gagawin habang nakatitig sa basa kong damit. “Okay lang.” matipid na ngiti ang pinakawalan ko. “Magbibihis lang ako.” “Bakit ba kasi ang clumsy mo, Jim.” narinig ko pang pinapagalitan ni Kimberly si Jim habang naglalakad ako papunta sa kuwarto ko. Pagpasok sa loob, hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw dahil may liwanang namang lumulusot sa pagitan ng mga kurtina. Once I opened my closet, tinanggal ko muna sa pagkakapusod ang buhok ko at saka hinvbad ang damit ko. My bra was also wet, kaya tinanggal ko din ito sa pagkaka-hook at hinayaang bumagsak sa sahig dahil strapless ito. Nang akmang pupulutin ko ito, biglang nagtayuan ang mga balahibo sa batok ko. Ganitong-ganito ang naramdaman ko noong gabing nasa b

