-Sofia- “Daddy?” I can’t believe what I was seeing. Ang daddy ko, patay na? “Daddy!” Hindi ko malaman kung ano ang gagawin. I wanted to laugh because maybe it was just a dream. A joke. But no. Si daddy talaga ang nakahiga sa malamig na higaan at wala nang buhay. His face was pale. Wala ng dugo. My entire body was trembling as I slowly walked towards him. “No!” malakas na sigaw ko at niyakap ng mahigpit ang wala nang buhay na katawan niya. “No! This is not true! Hindi pa patay ang daddy ko! Daddy!” Naramdaman ko ang pagsakit ng lalamunan ko dahil sa pagpipigil ko na huwag umiyak, pero dire-diretsong tumulo ang mga ito mula sa aking mga mata. I felt that someone had just ripped my heart out of my chest. Ang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, at hindi ko alam kung pano ko pa

