-Sofia- Bigla na lang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sumulyap sa akin si Josh, pero saglit na saglit lang. Na para bang sinasabing, “nakamove-on na ako, and I’m ready to open my heart to a new relationship.” “Sofia, ano ba! Hindi mo ba sila hahabulin?” sabi sa akin ni Kimberly habang pinapanood sila palayo ni Clara. “Papayag ka bang basta na lang siya agawin sa’yo ni Clara? Kawawa si Josh sa kanya, mag-isip ka nga!” “Agawin?” natawa ako ng mapakla. “Walang kami, Kim. Walang inaagaw sa akin.” “Hay naku, ewan ko nga sa’yo!” inis na iniwan ako ni Kim, at mabilis naman akong humabol sa kanya. “Basta sinabihan na kita ha. Huwag kang magsisi kung isang araw malaman mong sila na. Huwag na huwag ka ding aatungal ng iyak diyan at hindi talaga kita yayakapin. Bahala kang mag-iiyak diyan

