-Josh- I took a deep breath before I walked out of the room. Ayoko sanang iwanan si Sofia sa kuwarto dahil hindi pa kami tapos sa ginagawa namin, pero hindi din pwedeng balewalain basta si Clara at baka bigla na lang itong magwala. Mas lalong hindi kami matatapos ni Sofia. “Josh…” nakangiting niyakap ako ni Clara nang makita ako, pero mabilis na tinanggal ko ang mga kamay niya sa leeg ko. “What’s wrong? May problema ba?” “Clara, everything’s wrong. Stop being so clingy, please.” sabi ko at saka marahan siyang itinulak palayo sa akin, pero dahil makulit siya, muli niyang ipinaikot ang mga kamay sa bewang ko, kaya kinailangan ko na talagang gumamit ng puwersa para mapalayo siya sa akin. Medyo napalakas ang pagkakatulak ko sa kanya kaya bigla na lang tumalim ang mga mata niya habang nakat

