-Sofia- At tumalim ang tingin ni Clara nang bumaba ang mga mata niya sa magkahugpong naming kamay ni Josh. “Mommy, pwede bang iwanan mo muna kami saglit. I just want to talk to my friends.” sabi niya sa nanay niya. Tumango naman si tita Evelyn, at hinalikan muna ang noo nito bago ito lumabas ng room. “Josh, come here.” Clara smiled. The kind of smile that was only for Josh. Tinapik niya ang puwesto kanina ng mommy niya, at doon gustong paupuin ang boyfriend ko. Binitawan ko ang kamay ni Josh, at tinignan niya muna ako na para bang nagpapaalam kung pwede niyang lapitan si Clara. Bago pa ako makatango, tinawag ulit siya ng dalaga. “Josh, come here please…” Pinanood ko si Josh na alanganing yumuko at niyakap si Clara. At habang nasa balikat niya ang baba ni Clara, nakatingin ito sa akin

