-Sofia- Uwian na, pero hindi ko pa rin nakikita si Josh kaya nagpasya na rin akong umuwi sa bahay. Nakita ko ang kotse niya sa garahe, so ibig sabihin, hindi siya umalis ng bahay. Dire-diretso akong pumasok sa loob at hinanap siya. “Josh, I’m home!” malakas na sigaw ko sabay hagis ng bag sa sofa. “Josh! Where are you?” Wala siya sa sala, wala sa kusina. So, ibig sabihin nasa loob siya ng kanyang kuwaro. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para kumatok, at pinihit ang doorknob niya bago itinulak pabukas ang pinto. Napangiti ako nang makitang nasa meeting pala siya. He was talking to people on Micros0ft Teams, and they appeared to be gathered in a conference room. Kaya pala hindi siya sumasagot, busy pala. Baka nagmamadaling umuwi kanina nang malamang may meeting sila, at hindi na niy

