-Sofia- Habang naglalakad sa hallway ay tinext ko si Josh na tapos na ang klase ko. Alas dos pa lamang ng hapon, at ayoko pang umuwi. I would just get bored in the house alone. Hindi pumasok si Kim dahil may biglaang lakad daw sila ng nanay niya, kaya wala akong kasama ngayon. Si Josh naman ay nagtext sa akin kanina na may bibilhin daw silang ingredients ni Vincent para sa lulutuin nilang bagong putahe. A week had already passed, pero wala pa rin kaming naririnig na balita kay tita Evelyn. Ang sabi niya ay tatawag daw siya kay Josh kapag nakausap niya na si Clara. Pero nakikita naman namin siyang pumapasok. Josh and I agreed to lie low for a while. To stop being so clingy with each other, just so we wouldn’t trigger Clara’s anger. We’re pretending we’re not together. That there’s noth

