Chapter 26 (GIO)

1552 Words

NAGDESISYON na ring umuwi kaagad si Gio sa bahay dahil malalim na ang gabi. Napahaba ang kwentuhan nilang dalawa ni Pedro. Bukas ang pinto ng bahay at sa sala ay bumungad sa kaniya si KC na nakaupo sa upuan na gawa sa kawayan lamang. Dahan-dahan siyang naglakad papasok at isinara ang pinto para i-lock. “Iniwan niya lang talagang bukas ang pinto. Tsk,” naiinis niyang pabulong. Nang makalapit kay KC ay patindi naman nang patindi ang kabog sa kaniyang dibdib. Doon ay napagtanto niyang mahimbing nang natutulog ang dalaga. Napahawak siya sa kaniyang baba habang nag-iisip. Hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isipan niya ang ginawa ni KC. Wala siyang balak na patawarin ang dalaga dahil kinamumuhian niya ito. ‘Yon lang ang tanging tumatakbo sa kaniyang isipan. Wala pang babaeng nakagawa niyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD