Chapter 20 (KC)

1519 Words

HABANG naglalakad kami ay sinundan ko lang siya hanggang sa tinungo namin ang isang bus. Hinatak ko ang kaniyang damit bago pa siya makaakyat. Natigilan siya sa paghakbang ng mga paa at hinarap ako habang seryoso ang mukha nito. Hindi ko mahulaan ang nasa isipan niya. Kung ano man ‘yon ay wala akong magagawa. Kailangan kong magtiis at makisama. “Sandali… saan ka ba uuwi? Babalik ka na ba ng Manila?” tanong ko. “Hindi,” Matipid niyang sagot. Napakasungit naman ng lalaking ‘to at hindi man lang ako kausapin. Hindi ko namalayang nakaakyat na pala siya sa bus. “Sasama ka ba o hindi?” tanong niya. Nagitla ako sa tinig ng boses niya at mabilis akong umakyat sa loob ng bus. Nang marating namin ang gawing dulo dahil wala nang bakante ay naupo siya sa may gawing bintana. Nanlaki ang mga mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD