Kaninang paglabas ko ng comfort room hindi sinasadyang makabanggaan ko si Anton, ang weird nga kasi kilala niya ako at tinawag pa niya akong Kaelly, e ilan lang naman ang tumatawag sa akin ng ganoon. Kahit nga sa school, wala pa atang nakakikita sa akin bilang Kaelly kaya nakapagtataka talaga.
Matapos ang engkwentro namin ni Mr. President ay nagtungo na agad ako sa abangan ng jeep, mamaya ay naghihintay na pala roon si Karl, nakakahiya naman sa kaniya. Pagdating ko sa abangan, wala ni anino ni Karl akong nakita. Inisip ko na lang na baka late na itong pinalabas ng professor nila dahil malimit namang mangyari ang ganoon kapag masyadong nag-enjoy sa talakayan ang mga guro.
"Hi Kaelly." Narinig kong bati ng isang pamilyar na tinig kaya napalingon ako sa pinagmulan nito. Kahit alam ko na kung sino ang pinagmulan ng tinig, hindi pa rin ako makapaniwala nang siya nga ang tumambad sa aking harapan. Isang alanganing ngiti ang itinugon ko sa kaniya
"Pasensiya na kung naghintay ka, ang bilis mo kasing maglakad. Ano, tara na?" wika pa niya nang tuluyang nakalapit sa akin.
Ang weird ata ngayon nitong si Anton, samantalang noong nasa SC office kami kulang na lang at ipatapon niya ako sa labas.
"Okay ka lang, Anton?" Hindi ko mapigilang isa tinig.
"Naghihintay na si ate sa bahay," aniya pa nang hindi man lang tinugon ang tanong ko.
"Bukod pala sa may pagkaterorista ka bilang president ay medyo mahangin ka naman bilang lalaki." Wala sa loob kong sambit. Medyo nakakainis lang kasi...akala mo naman kilala niya ako kung makapag-aya. Ano ako, hilo? Bakit ako sasama...saka malay ko ba sa ate niya. Don't tell me, ipapakilala na niya agad ako sa kanila.? Minsan ambisyosa rin ako, sorry na agad, writer kaya mabilis ang utak. Charot.
Napansin kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa mga tinuran ko.
Imbis na tugunin ang ipinukol ko sa kaniya ay napansin kong may dinukot siya sa kaniyang bulsa. Matapos kuhanin ang kaniyang cellphone ay tila may i-d-in-ial itong numero. Ilang sandali pa...
"Ate kong maganda, ikaw na nga kumausap dito kay Kaely, mamaya kapag inaya ko pa ulit na sumama sa akin, sabihan pa ako na k-in-idnap ko siya." Pagkawika niya noon ay agad niyang iniabot sa akin ang kaniyang cellphone..
"Ano 'to?" Naguguluhang tanong ko
"Si ate Venice, kakausapin ka raw niya," tugon niya dahilan kaya agad kong kinuha mula sa kaniya ang cellphone.
"Mabuti at magkasama na kayo ni Karl. Medyo male-late lang daw ang kuya mo kaya ipinakisuyo ka na niya kay Karl. Ingat kayo sa byahe, see you later," ani ni ate Venice sa kabilang linya.
"Opo ate Venice, okay po." Nasabi ko na lang sa kawalan ng maisasagot.
Mayamaya ay nagpaalam na rin si ate sa kabilang linya kaya iniabot ko na rin kay Anton ang cellphone niya.
"Pasensiya na Anton, este Karl...hindi kasi kita nakilala. Saka hindi ko rin alam na ikaw pala 'yong kapatid ni ate...iba kasi 'yong itsura mo noon. Pasensiya na talaga."
"It's okay, I understand. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang Karl na kapatid ng girlfriend ng kuya mo na na-meet mo kagabi at si Anton na president ng school council ay iisa," aniya sabay silay ng ngiti sa kaniyang mga labi.
"I know, we haven't introduce formally with one another kaya gagamitin ko na rin ang pagkakataong ito, I'm Karl Antony Sandoval. My sister call me Karl, pero lahat nang nakakakilala sa akin ay tinatawag akong Anton." Pagkawika niya ay inilahad niya ang kaniyang kanang kamay bilang tanda ng pagpapakilala.
"Nice to meet you," tangi kong nasabi sa kawalan ng maapuhap na salitang sasabihin.
"Tara na, baka naghihintay na si ate."
Siya nagpakilala, tapos ako 'di man lang tinanong buong pangalan ko. Ayos din 'tong si Anton . Sabagay, mas mainam na rin siguro 'yon at least ay di magiging komplikado ang lahat.
Gentleman naman pala si Anton, kahit mukhang supladitong demonyito ito kapag nasa opisina ng Students Council. Okay naman pala siya bilang si Karl Sandoval kaysa kay Mr. President na mukhang may PMS.
Kapwa lang kami tahimik sa loob ng jeep, wala ni isaman ang nagtangkang magbukas ng anomang usapin. Hindi ako sanay ng ganito katahimik, nabibingi ako. Ilang sandali pa, narinig kong nagsalita siya upang pumara. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa aming destinasyon. Bigla ko tuloy naalala ang unang engkwentro namin ilang araw na ang nakararaan...'yong unang araw na nasilayan ko siya.
Nang makababa kami ng jeep ay agad na tumawag ng tricycle si Anton. Actually, 'di pala nalalayo ang bahay namin sa bahay nila dahil sa kabilang subdivision lang kami.
Naku, maraming kailangang ipaliwanag sa akin si kuya. May nalalaman pa siyang out of way. Pektus siya sa akin mamayang pag-uwi namin.
"Kuya, sa Sampaguita Street." Pagbibigay instruction niya sa driver.
Buti na lang talaga at sa likod siya pumwesto, kanina nga lang sa jeep para na akong sinisilaban sa kaba dahil sa magkatabi kami, paano pa kaya kung sa tricycle na mas maliit ang espasyo.
Ilang saglit lang ay nasa tapat na kami ng bahay nila. 'Di naman ito ganoong kalayo mula sa entrance ng subdivision, sa tantiya ko nga ay p'wede naman itong lakarin. May pagkatamad din pala itong si Anton.
In all fairness, ang ganda ng bahay nila, labas pa lang maganda na paano pa kaya sa loob.
Nagulat ako na imbis na mag-doorbell dahil mukhang naka-lock ang gate at muli nitong kinuha ang cellphone.
"Nandito na kami sa labas," pagkawika noon ay agad din nitong tinapos ang tawag.
Pero mas nagulat ako nang si ate Venice ang magbukas ng gate. Wala ba silang maid?
"Hi Kaelly, tuloy ka." Magiliw na wika ni ate sa akin.
Kung nakamamangha na ang labas ng bahay nila, mas nakamamangha ang ganda ng loob nito, simple pero elegante. May pagka-minimalist ang style pero ang sarap sa matang tingnan. Walang masyadong magarbong mga display pero kapansin-pansin ang ilang mga paintings sa hallway ng sala nila.
"Maiwan ko muna kayo ate at Kaely," pagkawika nito ay agad na tinaludtod nito ang hallway sa kaliwa patungo sa isang silid.
"Balita ko muntik mo pang mapagkamalang kidnaper si Karl."
"Hindi naman po, ate. Hindi ko lang po kasi nakilala si Anton...este si Karl." Na siya namang totoo.
"Paanong 'di mo nakilala. Sa pagkakaalam ko medyo sikat sa campus si Karl lalo't siya ang President ng school council ninyo."
"Iyon na nga po, ate...kilala ko po siya as Anton buti not as Karl...kaya nagtaka rin ako na kilala niya ako. Ang layo kasi ng ayos at porma niya sa itsura po niya kagabi kaya hindi ko po siya nakilala agad.