I think, it's another sleepless night.
Why do he keep on running into my mind?
Grr! Bago pa ako tuluyang mabaliw kaiisip sa kaniya, dali-dali akong bumangon ng aking kama at tinungo ang study table ko.
Akala ko, 'di na darating sa puntong makikilala ako ng taong mahal ko. Akalaa ko, habang-buhay na lamang akong mananatiling parang hangin sa kaniyang paningin.
"Hi Lhei!" Nagulat ako nang batiin ako ni Antony nang magdaan siya sa harapan ko. Habang 'yong kasama naman niya ay iniwanan na siya.
'Di ako makapaniwala sa mga nangyayari, how come na kilala niya ako at alam niya ang pangalan ko?
"Ako?"
"May iba pa bang Lhei dito sa campus maliban sa'yo?" nakangiting wika niya.
Gosh ang bilis ng t***k ng puso ko pakiramdam ko ay magkaka-heart attack ako anomang sandali.
"Ewan ko lang?" alinlangang sagot ko habang pilit na kinukubli ko ang mukha ko.
"Why are you hiding your face?" takhang tanong niya, sabay hawak sa baba ko habang dahan-dahang iniaangat ang mukha ko hanggang sa unti-unting naghihinang ang mga mata namin.
Why do world seems bright?
The world seems right.
Agad ko ring ini-iwas ang tingin ko at ibinaling ito sa ibang direksyon.
"By the way, Lhei, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa...can you do me a favor? May nakapagsabi kasi sa akin na ikaw raw ang makatutulong sa akin para ma-win back ko ang girlfriend ko."
So kaya naman pala.
"I've heard kasi na marami ka nang relasyon na naayos--na marami ang nagtitiwala sa'yo," walang pasakalye niyang wika.
"Talaga lang? Naniwala ka naman sa kanila," sarkastikong tugon ko sa tinuran niya. Kailangan kong kalmahin at ikadena ang puso ko.
"I think, enough na 'yong napagtanungan ko. Enough na rin 'yong mga naging tugon ng tao na nagsasabing maaari mo akong matulungan."
"Please, tatanawin kong isang malaking utang na loob kung matutulungan mo akong maibalik 'yong girlfriend ko," wika niya habang hawak-hawak ang mga kamay ko.
"Bakit nawawala ba siya?" me and my pilosopong bibig.
"Not exactly nawawawala, kung 'di, tumakas mula sa puso ko."
'Yong totoo, corny ng sagot niya.
"That's bad. Baka naman kasi hinayaan mo siyang makawala mula sa pagkakapit mo?" seryoso kong tanong habang 'di ko mapigilan ang sarili kong pagpalain ang mata ko sa pagtitig sa gwapolicious na lalaking ito na nasa harapan ko ngayon.
"I don't know. Maybe I'm too proud of myself that I will not going to lose her, but unfortunately I did already," malungkot niyang wika.
"Sometimes being that sure wasn't a good idea of being sure," I said though I know that what I've said don't really make any sense.
"Yeah you're right. Minsan, kahit gaano ka pa kasigurado, that 100% isn't enough para maging kampante ka sa lahat ng bagay dahil sa kabila ng pagiging sigurado mo ay ang katotohanang wala itong kasiguraduhan. Being too proud of yourself sometimes give you a trouble of losing someone or something special."
Konti lang 'yong sinabi ko, ang dami niyang dinagdag. Kapag ba broken hearted ang lalaki nagiging madrama at madalal ba talaga at tipong out of nowhere ang weird thoughts or explanation nila about things?
"That's absolutely true!" pagsang-ayon ko na lamang baka mamaya humaba pa ang drama nito at ikuwento pa ang buong istorya ng buhay pag-ibig nila.
Base kasi sa observation ko, boys are too talkative once their life story is involve, lalo na nga kung broken hearted sila. Di sila kagaya ng babae na iiyak na lamang sa isang sulok o kaya ay maghahabol. Boys have their own way on how they are going to chase their love ones with matching back-up or help from people they are entrusting everything. Ewan ko nga lang ba kung bakit napabilang ako sa entrusted one nila, pangkaraniwan, 'di ko naman sila kilala at ang nakakaloko, inirerekomenda pa nila ako. Minsan tuloy, napapaisip ako, kung magtayo na lang kaya ako ng counseling center para sa mga may problema sa buhay pag-ibig. Masyado na kasi akong nalulugi dahil wala naman akong talent fee, bukod sa nauubos ang oras ko kakapayo sa kanila. But mind you, this thingy is very interesting. I am able to see the different side ng mga boys at mas nakikilala ko sila. Mas sensitive sila than girls when it comes to heart problem, obviously because of fried chicken. I think it's enough, I've talked too much. Masyado ko nang ibinubulgar ang kalalakihan. Mind you, ang cute nila when they get jealous. 'Di rin sila nagagalit basta-basta nang walang sapat na dahilan. As I've said, 'di na nga ako magsasalita kaya sip mouth na ko.
"Could you please help me to win her back?" nagsusumamo niyang wika.
I really wanna say no kasi hallo naman, hindi sa pagiging selfish, I really don't like Therese for him kasi nga, 'di ba, kami ang bagay. Kaso lang, wala akong magawa. Sabi kasi nila, ang kasiyahan ng taong minamahal mo ay kasiyahan mo na rin kahit na ang pakiramdam ko parang ako na rin mismo ang pumatay sa sarili ko.
"Okay. Okay, pumapayag na ako," pilit ang ngiti kong wika. Masokista na kung masokista, basta para kay Antony I am more willing to do everything to make him happy kahit pakiramdam ko isang milyong kutsilyo ang tumatarak sa puso ko.
Oo nga at napansin niya na ang existence ko, but sad to say, the only reason is dahil kailangan niya ng tulong, so I really need to help him.
"Yes, salamat." Sabay yakap niya sa akin habang patuloy sa pagsasabi ng salamat
I can't breathe. Masarap sana sa pakiramdam na yakap-yakap ka ng taong mahal mo, kaso sarili ko lang naman ang darayain ko.
"Maraming salamat talaga, Lhei."
"Nga pala, masyado akong na-excite I forgot to introduce myself." Sabay lahad niya ng kaniyang palad.
"I'm Antony," nakangiti niyang wika.
"Nice to meet you." Pinilit akong ngumiti kahit na nang mga sandaling iyon, gusto ko nang tumakbo palayo.
"Siya, may klase na ako. See you around." Akmang tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako sa braso.
"Can I get your number para ma-contact kita. Mahirap naman kasi na libutin ko pa ang campus para lamang makita ka," nakangiting wika niya habang wine-wave ang kaniyang cellphone.
Why I can't resist you, Antony?
Kinuha ko 'yong cellphone niya ay t-in-ype 'yong number ko. Matapos noon ay ibinalik ko na ito sa kaniya.
"Thanks."
Ilang sandali pa nakatanggap na ako ng text mula sa kaniya.
0923XXXXXXX
See you around, Lhei. Hihintayin kita sa may labasan, around 4:30. -Antony.
Ang sarap sanang isipin na hihintayin niya ako, pero kailangan kong gumising sa katotohanan na kaya siya lumapit sa akin dahil may kailangan siya. Sabagay, ayos na rin 'yon, at least kahit papaano ay alam na niyang nag-e-exist ako sa mundong ginagalawan niya, di tulad nang dati.
Bago ako mag-response sa text message niya ay s-in-ave ko muna 'yong number niya.
To: Antony
Ok, see yah!
Hay wrong timing na naman si antok. As always, he had send a letter telling me that I must be on the lalalala land: world of dreams and fantasy. So before he have decided to drop the letter and close the gate entering to his world, I have decided to shut down my PC, turn off the light and finally pray before laying in bed.