Part Eight

832 Words
Matapos kong mag-cr, agad kong hinanap kung saan pumuwesto si ate. Mabilis kasing ma-badtrip ang isang 'yon, may pagka-bipolar kasi nang kaunti. Habang lilingap-lingap ako sa paligid, 'di sinasadyang may nakabangga ako. Mabuti na lang at naging maagap ako kasi kung hindi, baka sa lapag pinulot ang babae na 'yon. "Sorry miss," wika ko habang dahan-dahan siyang inaalalayan sa pagtayo. Wait, 'di ba siya 'yong babaeng kausap kanina ng lalaki? Wait, parang familiar siya sa akin at parang nagkita na kami, hindi ko lang maalala kung kailan at saan? Pero sigurado akong minsan ko na siyang nakita. "Thank you." Narinig kong wika niya, pero sa ibang direksyon siya nakatingin. Ayaw niya sigurong makita 'yong baduy kong ayos. Well, bakit ba kasi naisipan ko pang gayahin si Harry at Rizal? Oo, ibinalik ko uli 'yong ayos ng buhok ko kanina at tinanggal sa pagkakatupi ang long sleeve na suot ko. Paano ba naman, may babaeng biglang humarang sa akin nang papasok ako ng cr. Grr! Kaya heto, balik uli sa baduy na hairdo at get up. Malamang sa magalit na naman si ate nito. "Excuse." Pagkawika niya noon ay naglakad na saya patungong cr habang ako naman ay nakasunod lamang ng tingin sa kanya. Ang ganda niya talaga sa kabila ng kasimplehan niya. Sana, ako na lang ang date niya. Ano ba itong mga iniisip ko? Nang nawala na siya sa paningin ko ay naglakad na rin ako upang hanapin kung nasaan si ate. Agad ko naman siyang nakita, kaya lang, bakit kasama niya ang lalaking 'yon? Alam ko na, 'di ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa ideyang iyon. Bakit pakiramdam ko, nagagalak pati ang puso ko. Nang makalapit ako sa gawi nila ate, akala ko ay sermon na naman ang aabutin ko. Himala, 'di nagalit ang ale. Iba na talaga ang nagagawa ng in love. Agad niya akong pinakilala sa lalaking kasama niya. Tama nga ako, so wala nang dapat ipangamba. "Ken, meet my brother, Karl." pagpapakilala sa akin ni ate. "Karl, this is your kuya Ken." Well masasabi kong tama nga si ate, mas gwapo nga talaga ang bf niya kaysa sa akin kasi sa kauna-unahang pagkakataon na-insecure ako. So kapatid niya malamang 'yong babaeng kausap niya kanina na nakabanggaan ko. Dahil wala pa naman 'yong kapatid nitong bf ni ate, naisipan kong mag-sountrip. Nakaka-bored naman kasi, saka kumusta naman 'yong dalawang kasama ko, parang walang kasama kung mag-usap. "Nandyan na pala si Kaely," mayamaya ay narinig kong wika ng bf ni ate. So, Kaely pala ang name niya, bagay sa kanya. Gusto ko sanang lingunin siya, kaya lang parang nagtatalo ang puso at utak ko. Isa pa, bakit pakiramdam ko, biglang nagsikip ang dibdib ko at nahihirapan akong himinga. 'Di ko na gaanong naintindihan 'yong pinag-uusapan nila dahil sa parang mas nangibabaw 'yong lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagulat na lamang ako nang biglang tanggalin ni ate 'yong headset ko, sabay pitik sa tainga ko. At dahil nga sa nabigla ako, ako man ay nagulat sa sinabi ko, "Ate naman," inis kong baling sa kaniya. "Anong ate naman? Hoy lalaki, narinig mo ba 'yong sinasabi ko?" Akala ko, okay na si ate, balik na naman sa pagsigaw.. "Sabi ko nga po." Alam mo 'yong bawal ang pasaway kay ate? Kaya heto, good boy talaga ako kapag siya ang kausap, daig ko pa ang maamong tupa, lalo na kapag badtrip siya. "Pasensya ka na, Kaely, malakas lang talaga ang sapak ng isang ito." Si ate, ginawa pa akong abnormal. Sino kaya sa aming dalawa ang mas mukhang bipolar? "Okay lang po 'yon." Kulang na lang ibulong niya 'yong sinabi niya. Matapos naming mag-dinner, nagkwentuhan pa sina ate at kuya ng kung ano-ano tungkol sa family, career tungkol sa amin. Alam mo 'yong nao-op ako sa kanila?Kumusta naman 'yon? Sabagay, ayoko rin namang makipag- usap sa kanila dahil 'di ko naman alam kung ano 'yong sasabihin ko. Isa pa, naiilang ako kasi kaharap ko si Kaely. Kailan ba ako nailang nang ganito? Akala ko nga kanina, 'di na mapipigilan ang dalawa na 'yon sa pagdaldal. Iyon nga lang, pauwi na sana kami kaya lang, naisipan pang maglakwatsa ng dalawa. Pero 'di na ako sumama, este kami pala ni Kaely dahil maaga pa ang pasok namin bukas kaya ang siste, hinatid ko sa kanila si Kaely. Ayaw naman kasi itong pauwiing mag-isa ng kapatid niya habang ako, napilitan namang sumunod Kay ate. Pero aaminin ko, natutuwa ako na ako ang naghatid sa kaniya sa bahay nila, 'yon nga lang, para naman kaming mga pipi habang daan--wala ni isa sa amin ang kumikibo. Ang dami ko pa naman sanang gustong itanong sa kaniya. Pero wala, olats. Nakababa na siya't lahat, thank you lang ang narinig ko. Ang husay, 'di ba? Nandito na ako ngayon sa kwarto ko, at almost two hours nang gumagawa ng tulog. Bakit ba ayaw maalis sa isipan ko ang babae na 'yon? 'Di ba marunong mapagod 'yon, kanina pa kaya siya tumatakbo sa isipan ko? Try niya kayang magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD