I do really love myself. Grabe ang body clock ko, kusa itong nag-adjust sa time na s-in-et ko sa isip ko kung anong oras akong dapat magising. Take note, 1 hour of sleep, daig ko pa ang sabog nito na high sa drugs.
After kong maligo at ayusin ang mga gamit ko ay agad akong dumiretso sa komidor. Agad akong nagsalin ng hot choco sa tasa at kumuha ng sandwich na naka-serve sa dinning table. Matapos kong maubos 'yong sandwich at hot Choco, nilagay ko na sa sink 'yong mug na ginamit ko at hinugasan ito. Paalis na sana ako ng bahay nang may makita akong note sa fridge.
Sisi,
Eat your breakfast before you leave. Agahan mong uwi mamaya,
Bibo Ken :)
Hay, si kuya talaga. Tinanggal ko 'yong note sa fridge to write my reply on the space below the paper.
Bibo,
Do not always come home late. Bush bibo.
Sisi
Bibo, short for brother and Sisi for Sister. 'Di ba, ang sweet namin ni kuya? 'Di lang sweet, sobrang love din namin ang isa't isa, pagkat kami na lamang dalawa sa buhay.
Dido and Mimo (our parents) died when I was 12, in a car accident. From that moment, si bibo na ang naging guardian ko na noon ay 21 years old na. Kasamang kasing namatay nila mimo sina kuya Sean at ate Shane--our twin siblings--na mas matanda sa akin ng 5 years.
Nang mawala sila sa buhay namin pakiramdam ko, gumuhong ang mundo ko. I blame God for that tragedy. Bakit kailangang mangyari 'yon? Tapos muntikan pang dumating sa punto na kailangan naming maghiwalay ni Bibo Ken. Pero 'di siya pumayag na kunin ako ng mga relatives namin. Katwiran ni kuya, dalawa na nga lang kami, maghihiwalay pa ba kami. Sabi pa niya, kaya na naman daw niya kong suportahan, may naiwan naman sina Mimo at Dido sa amin. Isa pa, that time nagtratrabaho na rin siya sa isang construction firm as engineer. 'Yon lang, kailangan niyang magdoble kayod to the point na nakalimutan na niya ang sarili niya dahil sa akin.
Konti na lang naman. Konting tiis pa.
Bago ako tuluyang umalis ng bahay, pumanhik muna ako sa kwarto ni Bibo Ken. I tried to wake him up, baka kasi ma-late siya sa office.
"Bibo, wake up," wika ko habang marahan siyang niyuyuyog.
Di naman ako nabigo, pagkat nakita kong unti-unting dumidilat ang mga mata niya..
Ilang sandali pa ay umayos siya ng upo sa kama at hinarap ako habang ginugulo-gulo pa niya ang buhok ko.
"You better go to school now Sisi, male-late ka niyan sa klase mo," nakangiti niyang wika.
"You better go to CR first before ako umeskapu Bibo. Baka ma-late ka."
"Babae, 10 am pa pasok ko, ikaw 7. Quarter na kaya."
The next thing I knew, daig ko pa si Flash sa bilis kong tumakbo palabas ng bahay hanggang makarating ng Sakayan ng dyip. I can't imagine...buti na lang pagdating ko ng terminal, sakto may dyip na at paalis na ito. Ang totoo, 'di pa naman puno, pero ewan ko ba parang nakikiayon ang tadhana. Well 10 minutes ang byahe ko papunta ng school, tapos ay five minutes walk hanggang room namin--oo alam ko weird kasi kalkolado ko ang oras ganiyan kasi ako mag-manage ng time.
Haist! Si bibo Ken talaga, nadali ako doon. May 20 minutes pa pala bago 'yong first class ko, akala ko talaga ay male-late na ako. Ang husay, napatakbo ako nang wala sa oras. Well, na-discover ko na puwede pala akong sumali sa track and field baka mag-first pa ako kung sakali. 'Di ko mapigilang 'di mapangiti dahil sa bahay na 'yon.
Bago tuluyang umalis ang dyip na sinasakyan ko, para bang may magnet na pilit nag-a-attract sa mata ko, then I turn my head at the right side.
What is your initial reaction when you see a very hansdsome face next to you? Ako, literal na nganga for a second or two.
Sumakay ako sa jeepney ikaw ang nakatabi.
'Di makapaniwala
At parang may hiwagang nadama nang tumama sa'yo ang aking mga mata.
Sabi nila'y walang hiwaga
Kung wala ano itong nadarama?
Ayoko nang pumara kahit sa'n mapunta
Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama
Ayoko nang pumara
Ayoko nang pumara
Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama ah ah ah ah ah ah ah
Ayoko nang pumara kahit saan pa lumiko
Ayoko nang pumara sana 'di na huminto
Ayoko ko nang pumara
Ayoko nang pumara
Ayoko na kung ikaw ang kasama
Saan nanggagaling 'yong sounds? Sino 'yong kumakanta? At inilibot ko ang paningin ko sa loob ng dyip just to see kung saan ba nagmumula abf tunog. Pero wala naman akong nakita. Baka guniguni ko lang. Mayamaya, huminto 'yong dyip sa isang waiting shed. Actually, I try to move closer to him, kaso lang...
Nang may biglang sumingit,
Tiyempo pa sa 'ting gitna
Sumimangot tuloy ang aking mukha
Mabuti na lang nagbayad 'yong ale
Sabi niya paabot naman
Nagkadahilan ako para ika'y tingnan
Iaabot ang bayad
Kamay mo na palang nakaabang
Pambihira 'di ba ang swerte ko naman
Does the song stating what was going on inside this public utility jeepney?
Absolutely yes! Teka, saan ba kasi nagmumula 'yong sounds??
Did you know where that freaking sounds came from? My mind is singing that song so loud... Do you think I am crazy?
Sabi nila'y...
"Manong, para po bababa ako sandali." Narinig kong sabi ng isa sa mga pasahero. And to my surprise, it was him.
Teka, ba't nag-short cut 'yong scene?
At bumaba na siya habang ako, ayon nakasunod lang ng tingin sa kainya... on second thought, sumunod na lang pala ako.
Dahil sa layo ng lipad ng isip ko at tila konsyertos sa utak ko, 'di ko namalayang nasa tapat na pala ako ng gate ng school.
"Wait lang po manong," at dali-dali akong bumaba ng dyip...
BLAG!!!
Napasalampak lang naman ako sa lapag. Dinaig ko pa ang batang naglulupasay dahil sa nag-tantrums.
Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo sa semento nang may maglahad ng kamay sa akin upang tumulong.
"Are you okay miss?" he said sincerely.
Nang tumingala ako para tingnan kung sino ba ang nagmamay-ari ng kamay na nakahantad sa aking harapan. I was a little bit shock, because I didn't expect that it was him--the guy in the jeep.
Is this fate, a destiny?
Hey! Why does my heart beating so fast? Teteng naman, paano kong tatangapin 'yong kamay niya at tatayo, gayong nanginginig ang buong katawan ko? Please help me lord.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya nang magtama ang mga mata namin. Alam ko sa mga sandaling ito na namumula na ang mukha ko. Shemay, imbis na tanggapin ko ang kamay niya, dahan-dahan akong tumayo.
"Salamat," I said without looking at him.
Alam ko, ako na tanga dahil imbis na pagpalain ang mata ko sa pagtingin sa gwapolicious na lalaking ito ay mas pinili kong yumuko upang lalong maitago ang mukha ko. Salamat sa bangs ko at makapal na salamin, I am able to hide my blushing cheeks.
"Sigurdo ka?" tanong pa niya. Ramdam ko sa mga titig niya na punong-puno siya ng fascination. Siguro dahil na rin sa mukha akong weirdo. Alam ko naman na iba ang iniisip sa akin ng ibang tao. Wala lang, trip ko lang magsalamin kahit malinaw naman ang mga mata ko.
Hay! May bago pa ba sa tingin na ibinigay niya?
"Here." Sabay abot niya sa akin ng mga aklat ko.
"Salamat." Ewan ko, pero biglang napangiti ako nang mga sandaling iyon.
Matapos ang insidenteng iyon, 'di ko na siya nakita buong maghapon. We're schoolmate, pero never ko pang na-sight seeing ang gwapolicious niyang face. From what college kaya siya?
Kinabukasan...
"Lhei, pinapatawag ka ni Ms. Sanchez," bungad sa akin ni Cris, isa mga classmate ko.
Ano na naman kaya ang kailangan sa akin ni ma'am?
Hindi na ako nagtanong kay Cris kung saan ko maaaring matagpuan si ma'am kasi sa iisang lugar lang naman siya naglulungga--sa office ng student council dahil siya ang adviser nito.
Nagmadali akong pumunta sa office ng SC, mahirap na, mabilis pa namang magalit si ma'am. Alam mo naman 'yon may pagka-strict na, perfectionist pa.
Nang marating ko ang office ng SC, kumatok muna ako. Mayamaya pa ay may nagbukas na ng pinto. Of all people, 'di ko akalain na 'yong lalaking nakasabay ko sa dyip na tumulong sa akin kahapon ang siyang bubungad sa akin ngayon.
Is this really a destiny? Hindi kasi ako naniniwala na nagakataon lang ang lahat, because I do believe; everything happens for a reason. Ang bait talaga sa akin ni fate, buong maghapon akong nag-wish kahapon na sana magkrus muli ang landas naming dalawa. Tapos early this morning, siya 'yong bumungad sa akin.
'Di ba, puwede na siyang gawing leading man sa mga story ko, at pasado pa siya para maging brain booster at inspiration ko.
"Gu... good morning, nandyan po ba si Ms. Sanchez?" Bakit ba ako kinakabahan nang ganito? Takte namang puso 'to, nagwawala na naman. Ikadena ko kaya to, aka sakaling tumigil sa pagpupumiglas?
Bakit ba kasi he gave me that kind of look? As if naman na may bago sa weird look ko? Ngayon ako nagsisisi kung bakit ako nagpakabaduy, gayong maganda naman talaga ang fashion sense ko. Sana pala tulad na lang noong dati, so that he won't give me that kind of look. Though I know that I am freaking weird, because of my damn look. I am wearing a thick eye glasses though wala naman itong grado. Halos matakpan ng bangs ko ang mukha ko. At dahil wash day ngayon, asahan mo na na ang suot kong outfit is somewhat will turn many boys down; isang hanggang bukong-bukong na floral na palda, an over size blouse na may mahabang sleeves, then I have a scarp on my neck. I forgot, nakasuot din ako ng headband na may malaking ribbon na kulay pink. Naka-rubber shoes din ako beneat my long skirt. Tapos naka-bagpack pa ako ng kulay purple. Ganyan ka-weird ang fashion sense ko. O,o ganiyan talaga, kaso syempre sa school lang. Makokotongan ako ni Bibo once na totohanin ko to all the way. Kaya lang naman nag-agree si Bibo kasi natakot siya na baka maulit 'yong dati--takot kasi siyang mawala ako.
Ganito kasi 'yon. Three years ago, noong hindi pa ko ganitong ka- weird, may isang pangyayari ang 'di ko lubos akalain na muntikan nang mangyari sa akin. Thanks to my savior, kundi baka nagliliwaliw na ako ngayon sa langit. 'Yong abnormal kasing obsess kong suitor eh, sabi nang ayoko sa kaniya. 'Di ata matanggap na na-reject kaya ayon, tinangka akong pagsamantalahan. Mabuti na lang, dumating ang super hero ko. Actually, 'di ko ma-recall ang itsura niya, bukod sa nasa state of shock ako, hilam ang mga mata ko ng luha. Then after niya akong i-save, bigla na lang siyang nawala, but he gave me a souvenir na hanggang ngayon nakatago pa rin sa akin. Sayang, 'di na kami uli nagtagpo. Kung natanong ko man lang sana ang pangalan niya. Tapos ang masaklap pa, di ko matandaan ang itsura niya. Whahaha! Bakit ako nagkukuwento? Ang layo nang narating ng story, dapat doon lang sa kung bakit ang baduy ko ngayon. Bigla naman kasi akong na-conscious sa isang 'to, Akala mo naman nakakita ng alien, gayong dyosa naman ang nasa harapan niya. Am I a little bit assuming? Medyo lang naman. Wahahaha! Kasi naman, bakit ba ganoon siyang makatingin?
"Ahm si Ms. Sanchez? Wala siya rito ngayon. Ang alam ko ay nasa Dean's office siya," tugon niya.