Part Five

697 Words
Pauwi na ako galing school, dapat sana ay may meeting ang buong section namin para sa planning ng sa nalalapit na school fest kaso lang, wrong timing si bibo, pinapauwi ako agad. Ba't kasi bigla-bigla na lang, pero masaya ako para sa kaniya. At last, he had found his girl. Nang dumating ako ng bahay todo porma na si bibo. Well, ang gwapo talaga ng kapatid ko. "Hi bibo," bati ko sa kaniya. "Sisi, bilisan mo, you only have 30 minutes." Iyan agad ang ibinungad sa akin ni kuya. 30 minutes talaga? Orasan daw ba ako. Dali-dali akong pumanik ng kwarto at nagpalit ng damit. Wala pang 10 minutes tapos na rin ako. 'Di na kasi ko naligo, naglinis na lamang ako at mabilis na nagbihis. "Tara na kuya," bungad ko sa kaniya paglabas ko ng pintuan ng kwarto ko. "Ma. Mikaela Elizze, ano 'yan?" 'di makapaniwalang wika ni kuya. Alam na, lagot tinawag niya ako sa buong pangalan ko. Isa lang ang ibig sabihin no'n. Dali-dali uli akong pumasok ng kuwarto ko and this time, I have no choice. After 20 minutes, at last natapos din ako. Bakit kasi nakalimutan kong espesyal nga pala kay bibo Ken ang lakad namin, tapos ay ganoon ang itsura ko. Sabagay, mainam na rin 'to, na-miss ko rin kasing magsuot ng ganito. "Ready na ko, bibo." This time, alam kong nagustuhan na ni bibo ang suot ko kasi nakita kong nagliwanag ang mukha niya pagkakita niya sa akin. "Much better," nakangiti niyang wika. Kahit ngayon lang, magpapaka-girly ako, para naman 'to kay bibo Ken. "Kaely, mas bagay sa iyo ang ganyan, mas mukha kang tao." nakangiting wika ni bibo. So, hindi pala tao ang tingin sa akin ni bibo kapag ang get up ko ay ang manang outfit ko. Wait, baka naguluhan kayo. I'm Ma. Mikaela Elizze Francisco, Lhei sa school and Kaely naman sa bahay. I'm 18 years old at 3rd year college na si ako. 'Yan namang gwapolicious na nilalang na kasama ko ay si bibo Kenshin Mikhail Francisco, my brother and he's 27 years old. Well ngayon niya ipapakilala sa akin ang girl of his life. At last, he finally found his match. Akala ko, magpapakatandang binata si bibo dahil sa akin...buti na lang. Excited na akong ma-meet ang soon to be sister-in-law ko. "Ang sama talaga nito, baka mamaya mas maganda pa ako sa girlfriend mo." "Asa, para sa akin, siya ang pinakamagandang babae sa balat ng sansinukob," nakangiti pang wika niya. Ayos si bibo, may sansinukob pang nalalaman. Malala na tama ang isang ito. "Siguraduhin mo lang! Pero kuya, kahit panget ay ayos lang, basta mahal mo at mahal ka, at higit sa, lahat mabait." Ang totoo, wala akong pakialam sa itsura, ang concern ko lang, I wanted my brother to be happy. Sobrang mahal ko 'yang si bibo kaya ayokong masakyan siya sa huli. "Sabagay may punto ka. Gusto ko 'yong tulad mo, kahit panget at baduy, sobrang bait at mahal ako." Sabay akbay niya sa akin at iginiya na niya ako palabas ng bahay. "Kailangang ako talaga? nahiya naman ako bibo. Kung panget ako, mas panget ka...magkamukha lang naman tayo." Kunwari'y pagrereklamo ko. "Ito naman, 'di na mabiro. Ikaw na yata ang isa sa pinakamagandang babaeng nakilala ko, sumunod sa babe ko, lalo na kapag mukha kang tao." Pang-aasar pa niya. "Ang sweet mo talaga Mr. Kenshin Mikhail Francisco," sarkastiko kong wika. "Puwera biro sisi, siguro naman enough na ang 3 years mong pagpapakamanang. It's time for you to get out from that shell," kumento pa ni bibo nang nakasakay na kami ng sasakyan. "Ayoko pa bibo, mainam na 'to, at least, tahimik ang buhay ko." "Pero paano mo matatagpuan ang taong para sa iyo kung mukha ka namang ewan?" Si bibo naturingang matalino, minsan tanga lang. Mata ba ang ginagamit sa pagmamahal? "Kahit ano pang itsura ko bibo kung may magkakagusto sa akin, matatanggap niya ako. Ayoko na kaya niya lang ako minahal dahil sa itsura ko. So, kapag nawala ang dahilan kung bakit niya ako minahal, ibig sabihin ay mawawala na rin ang pag-ibig niya kasi wala na siyang dahilan pa para mahalin ako," paglilitanya ko. "Sabagay may punto ka, sisi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD