Chapter 10

1145 Words

Halos mapunit na ang mga pisngi ni Amelia habang nakatanaw sa labas ng kotse. Minsan lang siya makakita ng mga tao kaya labis siyang nagagalak ngayon na siya ay nakalabas. “Ano po ba ang gagawin natin dito sa bayan, nana?” inosenteng tanong ni Amelia. Ngumiti si Maxine. Nakatuon lang ang kanyang paningin sa daan dahil siya ay nagmamaneho. “Mananatili tayo rito ng dalawang araw. Pwede kang maglibot-libot dito pero hindi ka lalabas ng bayan.” Namilog ang mga mata ni Amelia. “P-Pwede akong lumabas? Mamasyal?” hindi makapaniwalang tanong niya. Ni minsan ay hindi pa siya nakasalamuha sa mga tao. Ipinara ni Maxine ang kotse sa tapat ng isang motel. Pagkatapos ay tiningnan niya si Amelia. “Oo.” Sinapo niya ang pisngi nito. “Mag-iingat ka, ha? H’wag na h’wag kang lalabas ng bayan dahil mah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD