Dylan's pov: “BITIWAN NYO KO!!! AYOKONG SUMAMA SA INYO!!!” hiyaw ni Venice habang hawak-hawak siya ng mga tauhan ni Lee. Gusto ko siyang puntahan pero… tiyak kong hindi ako palalapitin ng gano’n kadali ng baliw na matandang ito na parang dinilaan ng baka ang buhok!!! Huh! Binunot ko ang nakatarak na kutsilyo sa aking likuran at ininda ko na lamang ang sakit. Lalaban ako… hindi ako magpapatalo!!! “Lee! Ano pa bang gusto niyo!? PAKWALA NYO NA KAMI!!!” patuloy sa pagpiglas ni Venice. "Hangga’t hindi naaaprubahan ng munisipyo ang mga dokumento, ang kasal nyo ng binatang ito ay walang bisa! Kailangan ka pa namin at si Prime para maituloy ang plano ng iyong mga magulang!” tugon ni Lee. Kung gano’n… hindi pa rin pala sila sumusuko! Tch! Para namang ibibigay ko si Venice sa

