Sashna’s Pov: Kakalabas lang namin ng ospital dahil sinamahan namin si Venice sa prenatal check-up nya. Masyadong abala sina Dylan ngayon dahil dumami pa ang kliyente ng Mafia at ang transaksyon nang bumalik na si Aizen sa base. Sobrang excited na talaga ako para sa magiging baby nila ni Dylan! Sumama kami ni Kirsten dahil sabi ni Venice pwede na daw nyang malaman ngayon ang kasarian ng magiging baby nila. Labin-limang linggo pa lang ang pagbubuntis ni Venice, hindi pa daw gano’n ka-accurate ang resulta pero sabik na talaga kaming malaman ito! “Venice! A-Ano? Anong resulta?” halos sabay naming tanong ni Kirsten. Nasa gitna namin siya at inilabas nya ang isang maliit na sobre mula sa kanyang bag. Tikom ang bibig nya habang nakangiti at para kaming maiihi sa sobrang saya at kaba

