Dylan's Pov: Marahang tumayo si Vishnu at naglakad papunta sa bintana. Hinawi nito ang kurtina at tumanaw sa madilim na langit sa labas. “Ang lahat ng napag-alaman mo sa iyong ina, lahat ‘yon ay totoong lahat! Si Mina, isa syang maganda… mabait… at mabuting tao! Kung hindi ko nakilala si Aurora na ina ni Aizen, malamang na sya ang inibig ko! Hindi ko na matandaan ang mga nangyari. Kung anong dahilan at kung bakit basta alam ko ay nalasing ako at naging mapusok ng mga panahong ‘yon. Ang iyong ina naman noon ay bumalik sa mansyon at lasing din. Sa pagkakatanda ko ay wala syang kasanayan sa pag-inom ng alak at hindi nya nakontrol ang kanyang sarili, hanggang sa... nangyari na nga ang bagay na ‘yon sa amin! Isang gabi ng... kasalanan! Hindi ko no’n alam… na ang iyong ina... ay isang birhen. M

