Aizen’s Pov: As much as I wanted to be with Sashna alone, we end up having our vacation with Clarence and Clarisse. Napabuntong-hininga na lang talaga ako pero naintindihan ko naman si Sashna, gusto nya lang din na makapag-relax ang mga bata. Sabagay, sa dami ng mga nangyari nitong mga nakaraang buwan ay hindi pa ako nakakabawi sa kanila kaya hinayaan ko na lang din. It’s just for a day at bukas ay ipapasundo ko na sila kay Wix. “Ate! Tignan natin ‘yon, ang ganda!” ani Clarisse na hindi pa bumibitaw sa kamay ni Sashna magmula nang makarating kami dito sa Barclay. Tch! I want to hold her hand too pero paano ko gagawin ‘yon? Dalawang bata ang magkabilaang nakakapit sa kanya ngayon? “Hindi! Doon tayo!” hatak naman ni Clarence sa kabilang kamay ni Sashna. Nasa likuran laman

