Tatlong araw magmula ng umalis si Edward, pakiramdam ni Dreyfus at Harris na tila palaging may kulang sa hide-out. Kapag nagbibiruan sila ay agad din silang napapahinto sa pagtawa dahil naaalala nila ang malakas na halakhak ni Edward na hindi na nila naririnig. May mga kaibigan pa naman silang iba sa ampunan ngunit ang samahan nilang tatlo ay hindi talaga mapapantayan, na kahit sa maiksing panahon lamang, pakiramdam nila na silang tatlo ay may iisang layunin kahit na magkakaiba sila ng hilig at pag-uugali. “Kamusta na kaya ang mokong na ‘yon ngayon?” biglang naitanong ni Dreyfus saka isinara ang hawak niyang libro. Napahinto naman si Harris sa kaniyang ginagawang punching bag. Gusto niya kasing magbalik sa oagsasanay kahit na wala na siya sa kalye. Tila hinahanap-hanap na ng katawan niya

