Naghintay talaga ako na matapos ang practice ng football team at hindi naman ako na-bored kasi inaliw ako ni Amy sa mga kwento niya at inabala ko rin ang sarili ko sa pag-sketch. Saktong nililigpit na ako ng mga gamit ko at gabi na rin, pabalik na sa pwesto ko ang dalawa, fully showered. Kinuha ni Orion ang mabigat kong bag at naunang lumakad palabas, magkahawak kamay naman kami ni Axid na lumakad. Pumunta kami sa parking at ilang sasakyan na lang ang nandoon, lumapit kami sa truck niya, binuksan ni Orion ang pinto ng backseat. Nagpasalamat ako at pumasok, kinuha ko sa kanya ang gamit ko at pumwesto naman sila sa harapan. Tahimik lang ako sa likod, kamessage si Elian at ang iba pa habang nag-uusap naman sila sa upcoming nilang game. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa labas. I wonder

