Isang malakas na sigaw ng mga tao dumagundong sa stadium ng lumabas mula sa tunnel ang Raven Knights Football Team. Kahit isang away game ito, marami pa ring dumating na supporters para sa kanila, complete with banners at mga pampa ingay. As usual I'm wearing the jersey shirt of Axid at ang wrist band ni Orion. Sana magtuloy-tuloy ang panalo nila hanggang finals at sana hindi gaanong makaapekto ang gagawin ko sa kanila. Tahimik lang ako sa stands habang naghihintay na mag-start ng laro. May malaki ding jumbotron doon at pinapakita ang mga stats ng players at lumakas ang sigawan ng ipakita na ang mukha ni Axid doing his plays. Tumingin ako sa field at natigilan dahil nakatingin din sa pwesto namin si Axid at Orion. "Lavi, ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik eh." sabi sa akin ni Elian na ka

