Chapter 5

2226 Words
Aizen Santos __ Kumakabog ang dibdib ko habang humahakbang papunta sa office ni Dad. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na harapin ito kahit pa isang palapag lang mula sa opisina ko ang opisina niya. Bumuntong hininga ako bago kumatok sa pinto. "Come in." Nagsisikip ang dibdib na pumasok ako sa loob ng opisina nito. Subsob ito sa paperwork wearing his reading glasses. Hinubad niya iyon nang makita ako. "Dad..." Seryoso ang mukha nito. I thought he was mad at me pero unti-unting nabuo ang ngiti sa mga labi nito. "My beautiful daughter..." Napangiti naman ako at naluluhang lumapit sa kaniya. Tumayo siya agad at niyakap ako. "Dad, I'm sorry... I'm sorry for not telling you and mom na nagpakasal ako." "Shhh, it's okay, honey." Humarap ito sa akin at ngumiti nang alanganin. "You're a woman now, you make decisions on your own at 'yon lang ang hindi namin matanggap ng mommy mo. Sino na lang ang baby namin?" I chuckled habang nakatingin sa naluluhang mga mata nito. "Oh, please. Don't cry, dad." Agad nitong pinunasan ang mga mata. "Mahirap lang tanggapin na malalayo ka na sa amin ng mommy mo." Naalala ko, ganoon rin ito ka-affected nang mag-propose sa akin si Kevin noon. "Dad, hindi naman ako malalayo sa inyong dalawa ni mom. Never." Muli itong ngumiti nang alanganin. "Mahal na mahal ka namin ng mommy mo." Napangiti ako. "I know, Dad. I also love you both to the moon and back." "Sabihin mo sa akin kapag may ginawa sa'yong hindi maganda ang Sandoval na iyon." Magsasalita sana ako pero may nagsalita mula sa pinto. "Ako mismo ang magsasabi sa'yo," sambit nito na walang kahit anong emosyon sa mukha. Hindi man lang ito marunong kumatok. Pakiramdam yata nito ay pagmamay-ari niya lahat ng bagay sa mundo. "Don't you know how to knock?" taas kilay na tanong ko rito. "Get out. I'll talk to him," maawtoridad na utos nito sa akin. Bahagya akong napanganga. Seriously? Baka nakakalimutan niyang hindi sa kaniya ang building na ito para utusan akong lumabas sa mismong opisina ng ama ko. "It's okay, honey. Leave us alone," said dad. I mentally rolled my eyes. Bumaling ako muli kay dad at b-in-eso ito. "Miss you, dad. I'll visit you and mom soon," mahinahong sabi ko at humakbang na rin ako palabas ng pinto while simply checking him out. He looked so pure in his white sleeves. Nakatupi iyon hanggang sa siko at nakabukas na naman ang ilang butones sa gawing dibdib. He was also wearing a fitted black slacks. Pagsara ko ng pinto ay agad akong sumagap ng hangin. Why he always looked great kahit parang pinagkaitan siya ng happiness ng mundo? Lagi siyang walang emosyon pero nananatili pa rin ang kakisigan niya. Life could really be so damn unfair. Habang nakaupo sa swivel chair ko ay iniisip ko kung anong pinag-uusapan nila. Napangiti ako nang mapakla. Nakakaramdam ako nang pamamasa ng mga mata. Alam kong hinintay nila akong sabihin sa kanila ang kasal. Gusto ko lang paghandaan ang pagharap ko kay mom dahil ayokong umiyak sa harap nito. Ilang saglit pa bago kumalampag ang pinto ng opisina ko at niluwa ito ng pinto. "We're leaving." Antok na antok ako pagdating namin sa Hacienda nila sa Cebu. Mukhang nasabik ang matandang ginang at agad niyakap si Kier pagpasok namin ng mansion. "Kier, hijo, na-miss kita," saad ng matandang babae na sa tingin ko ay nasa edad seventy na. "I want to rest," malamig na sagot nito at humakbang palayo. Walang nagawa ang matanda kung hindi ang sundan siya ng tingin. He was so ill-mannered. "Magandang gabi, hija." Nakangiting baling sa akin ng matanda. Napangiti ako at nagmano rito. "Magandang gabi rin po." "Napakaganda mong bata. Masuwerte sa iyo si Kier, hija." Napangiti ako nang mapakla. "Salamat po." Ngumiti ito sa akin, hindi ko alam kung anong klaseng ngiti iyon pero alam kong masaya siyang makita ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at naiiyak na tumingin sa mga mata ko. Napangiwi ako. Okay? What? "Pasensya na, hija. May-- may naalala lang ako." Ngumiti ako nang alanganin "Ako nga pala si Manang Lolit. Mang na lang ang itawag mo sa akin." Ngumiti ito ulit kita ang kumpleto pa rin nitong mga ngipin ngunit lumabas din ang guhit sa gilid ng mga mata niya, sinyales ng katandaan. "Okay po, Mang." "O siya, halika. Nagluto ako ng hapunan. Kumain ka muna at mukhang pagod ka sa biyahe." "Uh, si Kier po kaya?" "Mabuti siguro kung tatanungin mo kung gustong kumain. Baka nagutom na rin iyon sa biyahe. Yung silid niya ay nasa itaas, sa dulong kaliwa. Tumango lang ako at pinanuod ito patungo sa kusina. Humakbang ako habang tintingnan ang kabuoan ng mansion. Almost antique ang naka-display sa loob. Nakakamangha sa sobrang lawak ang mansion. Para akong nasa loob ng palasyo. Kumikinang ang mga chandeliers sa taas. Parang mamahalin lahat ng mga iyon. Pakiramdam ko ay totoong ginto ang nasa sabitan ng mga kurtina, ang mga nasa silya at sa halos lahat ng kulay ginto sa bahay. Hindi ko maiwasang mapasinghap. Mukhang hindi ko kailangang pagdudahan ang kayamanan ng mga ito. Umakyat ako sa taas at hinanap ang sinabi ni Mang. Sa sobrang lawak ay inabot yata ako ng mahigit thirty minutes sa paghahanap. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ngunit walang sumasagot. Sinubukan kong buksan ang pinto at bumukas naman iyon. I was amazed pagpasok ko sa loob. Dim ang lights, mukhang mini library ang silid na nilagyan lang ng kama sa gitna. Who would have thought na bookworm pala ito? Lumapit ako sa isang bookshelf at kumuha ng isang libro doon. Te Amo Binuklat ko iyon. Hindi ko pa nababasa ang nakasulat doon nang may nahulog na kung ano sa sahig mula roon. Bumaba ako at pinulot iyon. It was a picture of him and a woman. Nakasandig ito sa balikat niya and they looked so happy together. I was fascinated by his smile. Guwapo naman pala ito lalo kapag nakangiti. Ibang-iba siya sa litratong iyon at sa personal-- "What the hell are you doing here?" Halos mapatalon ako sa malamig na boses nito. Kalalabas niya lang ng banyo at nakatapis lang ng tuwalya. Lumapit ito sa akin at hinablot ang litrato at librong nasa kamay ko. "Who the heck give you permission to enter this room?" Napalunok ako sa talim ng mga mata niya. Pakiramdam ko'y napapaso ako sa tingin na iyon. Hinagis nito ang libro sa kama at naamoy ko agad ang bango ng sabong ginamit niya. I was so tensed. Nagbibigay sa akin ng takot ang reaksyon niya. I chose to look away and absentmindedly bit my lower lip. "Don't f*****g bite that." I looked at him again and let go of my lower lip na parang amo ko itong kailangan kong sundin. Nakita kong sumulyap ito sa labi ko bago tumalikod sa akin at nagsuot ng t-shirt. "Get out." "A-ang sabi ni Mang... maghahanda na siya ng hapunan." Nakatalikod pa rin ito sa akin while drying his hair with a towel. "I said get out." Suplado. Nagmartsa ako palabas ng kuwarto niya. Pumikit ako nang mariin habang naglalakad palayo. Naramdaman ko na lang na bumangga ako. Nakarinig ako nang malakas na daing. Bahagyang namilog ang mga mata ko realizing na sa tao pala ako bumangga. "I'm sorry, sorry," mabilis na paumanhin ko. "It's okay," mahinang sambit niya habang nakahawak sa noo niyang nabangga sa noo ko. Bahagyang napaawang ang mga labi ko because I was so amazed. Kulay dagat ang mga mata niya and, matangos ang ilong na iyon, manipis ang hubog ng mga labi niya na mabagay sa maliit niyang mukha. Kulay abo ang buhok niya na bumagay rin sa maputla niyang kutis. She looked so beautiful. Unti-unti namang kumunot ang noo nito na tila ba nawawala habang nakatitig sa mga mata ko. "Are you sure you're okay?" nag-aalalang tanong ko. "Yup, y-yeah..." she said tilting her head a little. "You just kinda remind me of someone I'm close with. Anyway, who are you? What are you doing here?" "Uhm, I'm Zen..." Hindi ko alam kung ilalahad ko ang kamay rito o ano. Sasabihin ko sana na kasama kong dumating si Kier pero mukhang nakikala niya agad ang pangalan ko. "Oh," Ito na ang naglahad ng kamay sa akin. "I'm Russ, Kier's cousin. I already know you by your name. I heard you are Kier's... wife." Napangiti ako nang alanganin. Hindi yata ako masasanay na matawag na 'wife' nito. Kinuha ko ang kamay niya. Gano'n talaga kaganda ang lahi nila? Sabay kaming bumaba ng hagdan. Sa kilos pa lang, halata ng mayaman ito. "Mang, sabi ko naman po sa inyo huwag na kayong magluto ng marami," magalang na sabi niya kay Mang at umupo sa sa isang silya. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang upuang nasa tabi niya. "Come here, sit beside me." I was quite surprised na marunong itong mag Tagalog and she seemed very fluent. "Gusto ko lang namang ipagluto si Kier at siyempre si Zen." "Take a seat now, Mang. Kumain na po tayo." "'Di bale, siguradong bababa iyon mamaya kapag nagutom." Nagdasal kami bago magsimulang kumain. "Zen, anak, tikman mo 'tong kare-kare. Paborito 'yan ni Kier." Iyon pala ang paborito nitong ulam. Tinikman ko naman iyon. "Ang sarap nga po, Mang," nakangiting sabi ko. "The best magluto 'yang si Mang." Napangiti ito na parang nagustuhan ang sinabi namin. Pagkatapos nang kaunting kwentuhan sa hapag, umakyat na rin kami sa taas. "Good night," nakangiting paalam ni Russ at bineso ako. "Good night," nakangiti ring sabi ko at pinanuod ko siyang humakbang palayo. She was tall too. Mas matangkad siya sa akin nang kaunti. Para siyang model na naglalakad sa runway. She seemed so kind. Kahit sandali pa lang kaming nagkakilala ay magaan ang loob ko rito. Bumuntong hininga ako bago kumatok sa kuwarto ni Kier. Hindi niya iyon binubuksan kaya papalakas nang papalakas ang katok ko hanggang sa buksan niya iyon. Bumungad sa akin ang magkasalubong nitong mga kilay. "What?" singhal nito. Inirapan ko ito at pumasok sa loob ng silid. Kumuha ako ng tuwalya at damit sa gamit ko at dumiretso ako sa bathroom. Tiningnan ko muna ang kabuuan ng banyo. Halos karamihan sa gamit ay black and white. It was too obvious na lalaki ang may-ari. I liked its modern design. Ibang-iba sa hitsura ng silid niya at sa bahay. Napansin ko na karamihan sa gamit sa banyo niya ay gamit ng babae. Mula sa shampoo, conditioner and other stuffs. Don't tell me— hindi naman siguro? Pagkatapos mag-shower lumabas na rin ako ng banyo. Nakahiga na si Kier sa kama at mukhang mahimbing na natutulog. Habang tinutuyo ko ang buhok ko ng tuwalya, napasulyap ako sa direksyon nito. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa harapan niya. Wala sa loob na naupo ako para magpantay ang mukha namin at magiliw kong sinulyapan ang mukha nito. Ang guwapo pero kahit tulog mukhang masungit. In fairness, ang haba ng pilik mata niya. Ang sarap sabunutan para naman makaganti ako sa pagsusungit niya. Gusto kong isa-isahin ang parte ng mukha nito pero nakita kong dumilat ang mga mata niya. I froze. "What are you doing?" kunot noong tanong nito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinampal ko ang pisngi niya. "What the... hell?" "May— may lamok..." Gusto kong tumakbo after doing that pero wala akong nagawa kung hindi mag-peace sign. Hahakbang sana ako palayo pero nakabangon ito at kinuha niya ang kamay ko. That made my heart beat fast. Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero ang higpit nang pagkakahawak niya. He stood up. Napalunok ako dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Umatras ako but he moved forward. Muli akong napalunok nang wala na akong aatrasan. "That hurts," he said and narrowed his eyes. Lalong kumabog ang dibdib ko nang dalhin nito ang magkabilang palad sa pader, kinuling ako sa gitna ng mga braso niya. "You'll pay for it." Papalapit nang papalapit ang mukha niya sa mukha ko at malapit na rin akong mawalan ng ulirat. Mabuti na lang at narinig ko ang ringtone ng cellphone ko. "E-excuse me..." Mabilis akong lumayo rito at mabilis na kinuha ang phone ko sa side table. Nagmamadali akong humakbang palabas ng silid nito. "Thank you," mahinang bulong ko nang masagot ko ang tawag ni Chantal. "Huh?" sagot nito sa kabilang linya. Pinakawalan ko agad ang hiningang matagal kong pinigilan. "Uhm... is there something wrong?" alangang tanong ko. "Nothing. Alex told me na nasa Cebu ka raw today. Kumusta? Are you doing good?" She was always like that. Almost everyday chine-check nito kung okay ako. I was so lucky to have a friend like her. "I'm doing good, Bal. You have nothing to worry about." "Good, that's all I want to know. I'm sleepy na rin, masyadong maraming problema sa factory. I effin' need some rest." Her company manufactures different kinds of shoes. Pamana pa iyon sa kaniya ng parents niya. Since namatay ang parents niya sa isang plane crash ay natuto na siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Binaba ko na rin ang tawag pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa. Bumuntong hininga ako. Parang hindi ko na gustong bumalik pa sa silid nito after what happened. Pumikit ako nang mariin and whispered to myself. "Zen, kailan ka ba titigil sa katangahan mo? Gosh..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD