Chapter 3

1127 Words
Aizen Santos __ Nasa iisang silid lang kaming dalawa while preparing to go to work. Hindi ko alam kung paano siya naging sobrang kompartable with me around na okay lang na naka-boxers siya. I couldn't even move comfortably. Pakiramdam ko ay napaka-init sa buong silid. Sumulyap ako sa kaniya while he was buttoning his trousers. Napalunok ako nang dumako ang tingin ko sa mga pandesal na nasa tiyan nito. Muli akong napalunok nang dumako ang tingin ko sa mukha nitong wala akong maipintas kahit gaano ako nayayamot sa papaging suplado niya. Dumako rin ang tingin ko sa buhok niyang mamasa-masa pa. Halos mapatalon ako nang tumingin ito sa direksyon ko. Umarko ang makapal nitong kilay. "What?" masungit na anito. Agad akong tumingin sa ibang direksyon cursing myself for staring too long. What's wrong with you, Zen? Ngayon ka lang nakakita ng guwapo sa buong buhay mo? You're embarrassing! I scolded myself. Pasimple akong tumikhim at tiningnan ang kabuoan ko sa salamin. Simpleng itim na skirt lang ang suot ko at puting long sleeves. Humugot ako nang malalim na hininga. Dapat ko na yatang sanayin ang sarili ko sa presensya nito. Tumingin ako rito mula sa salamin. Nakita kong kumuha siya ng sleeves mula sa closet niya at sinuot iyon habang palabas ng silid. Mabilis naman akong nakahinga nang maluwag. After blow drying my hair and putting some makeup on, lumabas na rin ako. Pagbaba ng hagdan, nakita ko ito sa couch naka-dekwatro while reading a newspaper. Tumindig ang balahibo ko nang nag-angat ito ng tingin. I guess there was really something wrong with me. Hindi ko alam kung bakit may sariling reaksyon ang katawan ko whenever he was giving me his attention. "What took you so long?" inis na tanong nito. Hindi ko alam kung saan napunta ang dila ko at hindi ako nakasagot agad. Binagsak nito ang newspaper sa couch sabay tayo. Naglakad siya patungo sa pinto at sumunod na rin ako sa kaniya palabas ng bahay. Sumakay ito sa makintab na makintab na itim na sports car. Halos malaglag ang panga ko. I was just amazed. Bakit pati ang sasakyan nito ang guwapo? Tinanggal ko rin nag tingin ko roon at hinanap ng mga mata ko ang sarili kong sasakyan pero hindi ko iyon nakita. Bago pa ako mag-panic o mag-react man lang na baka napasok kami ng magnanakaw ay halos mapatalon na ako sa sunod-sunod na pagbusina nito. What the heck was wrong with him? It seemed like he was waiting for me dahil hindi pa rin ito umaalis. Why would he wait for me? Muli itong bumusina na para bang inip na inip na. Automatic na umikot ang mga mata ko. Palibhasa mayaman, laging VIP, laging nauuna sa lahat ng bagay, nakukuha lahat ng gusto sa isang kumpas lang ng kamay. Hindi na ako magtataka na bukod sa pagiging suplado ay may pagka-impatient rin ito. Mukhang sa kaniya ko makukuha ang sagot kung nasaan ang sasakyan ko. Humakbang ako palapit sa sasakyan niya. Pagpasok ko sa loob hindi pa ako nakakahinga ay nagsalita na agad ito. "I'll take you to work eight in the morning and fetch you at five p.m. everyday. I also hate waiting so don't f*****g make me wait like today." Bumukas na iyong automated gate and he started driving. I was still lost. Lumunok muna ako bago magsalita. I didn't want to stutter o mapahiya at lalong ayokong isipin niya na kinakabahan ako. "Where is my car?" I asked in a nice way. "Don't look for it anymore," he answered coldly. "It's my personal stuff. Akala ko ba we have rule number one na don't do things I hate? I also hate people who take and touch my things without my permission so better tell me kung saan mo dinala ang sasakyan ko." "That's my rule, not yours." Bahagya akong napanganga. What? "Oh, so I should make my own rules too? Fine, my rule number one: rules mo rules ko so bring my effin' car back." Wala akong nakuhang sagot dito o kahit anong emosyon lang na narinig niya ang sinabi ko. Napapikit ako nang mariin. Gusto kong sumigaw sa isip ko. I really hate people like him. Huminga ako nang malalim para pigilan ang inis ko at piniling tumingin na lang sa labas ng bintana. Pagdating sa harap ng building. Tinanggal ko ang seat belt ko at diretsong tumingin sa daan. "No need to fetch me. Kaya kong umuwing mag-isa," malamig na sambit ko at bumbaba ng sasakyan niya. Kier Joyve Sandoval __ Nakita ko ang isang pigura sa gilid ng mata ko. He was probably watching her all the time. He was really testing my patience. Kevin Verde. Lumapit ako sa sasakyan nito. Hindi ko hinintay na magbukas ito ng bintana. Sinuntok ko ang salamin sa driver's seat at kinuha ang kwelyo nito palabas ng bintana. "I told you to stop following her." He chuckled like a crazy bastard. "Bakit? Natatakot ka ba na sabihin ko sa kaniya ang totoo?" I glared at him. "I'm more afraid to kill someone with my bare hands." Muli itong humalakhak na may poot sa buong mukha. "Walang kinakatakutan ang mga demonyong katulad mo." Binitiwan ko ang kwelyo niya and smirked at him. "You're right." Dinungaw ko ito sa loob. "I want you to see how evil I am." Humakbang ako papalapit sa babaeng sinusundan niya noon pa na papasok pa lang sa loob ng building. Hinablot ko ang braso nito. She lost her balance kaya tumukod ang braso niya sa dibdib ko. Sandali akong napahinto. Damn her scent. Napatingin ako sa mga mata nito. Those light brown eyes looked so innocent. Hindi ko namalayan na may katagalan akong nakatingin doon. I didn't get the chance to look on every part of her face because she pushed me away. Nagtangis ang bagang ko sa ginawa nito. Nobody should dare to f*****g push me away. "What's wrong--" Hindi nito natapos ang sasabihin. Kinuha ko ang baywang niya at mabilis siyang sinunggaban ng halik. I could feel how soft her lips were. Those tasted—sweet. Nakaramdam ako ng kabog sa dibdib ko na hindi ko pa gaanong maintindihan. Hindi ko hinayaang magtagal ang mga labi ko sa mga labing iyon. I didn't want to get lost. I shouldn't be feeling that way. She's not... she's not her. "You forgot that." She just stood there. Mukhang hindi makapaniwala sa ginawa ko. "What? Don't stare at me that way. I can take your clothes off here." Agad nag-iba ang timpla nito at binigyan ako nang matalim na tingin. "Bastos." Binigyan niya ako ng matalim na tingin bago tumalikod sa akin. Mabigat ang hakbang nito and didn't even bother to greet back the security. I took a deep breath nang mawala siya sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD