JAHAIZAH'S POINT OF VIEW Pagkalabas ko ng banyo au ramdam ko pa rin ang init ng tubig mula sa shower na kumapit sa aking balat. Walang kahit anong suot na saplot,ay naglakad ako papalapit sa kama at doon, nakalatag ang isang bagay na parang tahimik na naghihintay sa aking atensyon. Isang royal blue dress. Fitted. May mataas na slit na lalandad ng aking hita, backless, bold, elegant and daring. Nakatitig lang ako roon, parang hinihipnotismo ako ng kulay nito. Blue, bakit parang may kapangyarihan ang kulay na βto? Hindi lang siya simpleng tela. It looked like confidence I didnβt always feel. Strength I wished I owned. It was like a version of me na hindi natatakot sa kahit na sino. Hinaplos ko ang tela gamit ang dulo ng mga daliri ko, marahan, as if tracing the promise it carried.

