MALRIKβS POINT OF VIEW Sumimsim ako ng alak, ramdam ko ang pait at init nito na dumadaloy sa lalamunan ko. Pero higit pa sa alak, mas matapang ang init na nararamdaman ko sa loob ng aking dibdib. I can see her. Jahaizah. Kahit anong iwas niya, kahit anong pilit niyang huwag akong tingnan, hindi niya maitago na ramdam niya ako. She feels my eyes on her. At iyon mismo ang gusto ko ang maramdaman niya na kahit hindi ako ang nasa tabi niya wala pa rin isyang kawala sa akin. Pagkatapos ng walang kwentang biro ni Adrian tungkol sa pagiging baog niya raw, I almost lost it. Kung hindi ko pa pinigil ang sarili ko, baka nabasag ko na ang baso at sinakal ko siya sa harap ng lahat. Because how dare he talk to her like that? Puro yabang pero wala namang respeto sa babaeng dapat ay pinapahalagahan n

