JAHAIZAH'S POINT OF VIEW Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay mabigat pa rin ang presensiya ni Malrik sa tabi ko. Hindi pa rin siya nagsasalita. Bumuntong-hininga ako at dahan-dahang itinulak ang doorknob, pero gano'n na lang ang gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad agad si Adrian, sa harapan namin. Nakaupo siya sa sofa at may hawak na baso ng alak ang kaliwang kamay, at para bang kanina pa nag-aantay sa pagdating ko. Kaagad siyang nag-angat ng tingin sa amin at agad kong nakita ang pag-igting ng panga niya. βWhatβs the meaning of this?β malamig niyang tanong, mga mata niya nakatutok sa aming dalawa. βBakit magkasama kayong dalawa?! Napalunok ako at mabilis na nag-iwas kaagad ng tingin. βAdrian, huwag ka mag-imagββ Pero agad siyang tumayo, inilapag nang mariin ang bas

