JAHAIZAH'S POINT OF VIEW Malakas ang ihip ng hangin sa balkonahe, sinasabayan ng walang kapaguran na malalakas na hampas ng alon. Tahimik akong nakatayo roon habang niyayakap ng malamig na simoy ng hangin ang katawan ko ay nanatiling nakatingin sa dagat. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mabubigat at matigas na brasong yumakap sa aking baywang mula sa likuran. Mainit, mahigpit na kahit hindi ko nakita kung sino iyon ay alam kong si Malrik ang nakayakap sa akin. Idinikit niya ang kanyang dibdib sa aking likod at marahang hinalikan ang aking balikat. Napangiti ako, pinipigilan ang kilig na nagsimulang lumakbay sa buong sistema ko. โHmmโฆโ mahinang tawa ang kumawala mulabsa aking bibig. โAng lakas ng hangin baka lamigin ka.โ sambit ko sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang tawa at saka ni

