THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Sa gitna ng mga bulungan ay nanatiling kalmado ang isang lalaki. Nakasandal siya sa haligi, hawak ang baso ng alak na para bang nanonood lamang ng isang palabas. Wala siyang imik, pero sa likod ng malamig na titig ay may kumukulong interes sa eksenang kanyang napanood. May maliit na kamerang nakatago sa butones ng kanyang coat at malinaw na na nakuhanan niyon ang lahat nang nangyari. Mula sa desperadang halik ni Celeste, hanggang sa mariing pagtulak ni Malrik at matalim nitong mga salita. Bawat galaw, bawat emosyon at hindi nakatakas sa kamerang iyon. Dahan-dahan siyang sumimsim ng alak, at bahagyang ngumiti. Isang ngiti na hindi para sa kasiyahan, kundi para sa gulong nakikita niyang darating. βI can use thisβ¦β mahina niyang bulong, halos hindi marinig

