MALRIK'S POINT OF VIEW Maingay ang paligid ng bar, Puno ng halakhakan, tunog ng baso, at malakas na tugtog na parang humahalo sa usok ng sigarilyo at alak. Nakaupo ako sa sulok ng counter, hawak ang baso ng whiskey, pero hindi ko malasahan ang apoy nito sa lalamunan ko. Ilang sandali lang ay natanaw ko si Celeste, nakangiti sa akin at kasunod niyon ang mabilis niyang paglapit sa akin ang mga mata niya ay kumikislap na parang bata na matagal nang naghintay sa akin. โFinallyโฆโ bulong niya sabay ngiti. Pagkaupo niya sa tabi ko ay agad niyang ipulupot ang mga braso niya sa leeg ko, hindi alintana ang mga matang nakatingin sa amin sa aming dalawa. โWhy did you just come now, Malrik? I waited for you.โ Tahimik lang ako at nakatingin sa kanya. Hindi ako kumibo kahit nakadikit ang katawan

