" Lucas " sabi nya
" edith?" Sabi naman nya tamimik lang akong pinagmamasdan silang dalawa habang nagtititigan 'ano to drama at may titigan pang nagaganap?' Bakit ba sa bitter ako Nakakaasar lang walang pasintabi sa single na katulad ko
"Yes"
"What do you want" this time hindi na sila nagtitigan dahil Umiwas agad ng tingin si boss
"I'm here because of our son" Sabi nya habang diretsong nakatingin sa kanya Alam kona anak talaga nya ito hindi na nya kaylangan magpa dna kasi kahit saan mo tignan ang bata Mukha nya agad makikita mo. sa tagal kong naninirahan sa kanya kabisado kona pagmumukha nya.
Tinignan ako ni boss saka nya ako tinanguan naintindihan ko naman ang kanyang gustong ipahiwatig. Umatras ako para pumunta sa table ko saka iniwan sila doon kahit hanggang dito rinig ko parin ang usapan nila.
"Our son?" Nakakunot ang noo na tanong ni boss sa kanya agad namang tumango ang babae na parang nagaalangan pa 'bakit kaya?'
"Yes he is Luke Ethan Rodriquez " pinagmasdan ko ang magiging reaksyon ni boss alam kong magugulat sya pero hindi ko manlang nakita sakanya iyon ang una nyang ginawa ay tumingin sa bata na kanina pa sya tinititigan simula nang makapasok sila sa loob ng opisina ni boss.
"Bakit ngayon molang to sinabi?!" Nanggagalaiting sigaw ni boss napaigtag ako nang marinig ko iyon dahil sa sobrang lakas ng boses nya na pati ang bata natakot sa kanya.
"You ask why? , ask your self why i did it " Rinig kong sigaw ng babae 'ano naman kaya pinag awayan nila at nakuha nya pang ilayo ang anak nila kay boss pero siguro nga kasalanan ni boss yun babaero pa naman siya.
Pareho silang nanahimik na dalawa samantalang ako inoobserbahan kung sino ang unang magsasalita sa kanilang dalawa.Pero maya maya lang Yung Nagsalita agad ang babae
"Just get him i need to go" Sabi niya saka binitawan ang kamay ng bata. ngunit Maluha luhang kumapit ng mahigpit sa kanya pero patuloy niya paring tinanggal ang pagkakakapit ng bata saka nagmadaling naglakad paalis nang wala manlang sinasabi. ' Ganun nalang yun?'
Habang pinamamasdaan ko ang pintuan nataranta agad ako nang mapansin kong umiiyak ang bata na nakalumpisay sa sahig habang yung boss ko nakatulala lang na parang wala sa wastong katinuan.
Agad akong naglakad palapit sa bata saka ko inabot ang aking kamay nung una umiiling lang siya sakin pero nang magkatitigan kami unti unti nyang inabot saakin ang kamay nya hudyat iyon para mabuhat ko sya.
Sa tingin ko mga nasa pitong taon na itong batang ito halatang alaga din ang kutis at kulay gatas ang kanyang mga balat bukod pa dun ang kanyang mukha ay parang double copy ni sir.
isinandal ko ang ulo ng bata sa aking balikad saka ko sya marahan ko syang tinatapik sa kanyang likod para makatulog na sya.
nakailang minuto ang lumipas naramdaman kong parang bumigat ang ulo ng bata kaya napansin kong tulog na sya. naglakad ako palapit sa sofa ng office ni boss at marahan syang nilapag.
Paharap na sana ako nang maramdaman kong may tao sa likod ko agad ko iyong nilingon at tama nga hinala ko kung sino iyon.
"Boss?" Tanong ko ngunit nakatingin lang sya sakin 'Apektado ba ako? , ewan , I like him kaya normal lang naman na makaramdam ako mg disappoinment diba pero dahil cute anak nya isantabi ko nalang muna ang feelings na iyan"
"What?" this time iniwas na niya ang kanyang tingin at saka bumaling sa batang natutulog sa sofa niya.
"ayos kalang ba boss?, Dapat maging masaya ka dahil biglang dumating tong blessing na to sayo saka hindi mo naman na siguro maiisip na hindi mo sya anak diba kahit saang angulo mukha mo nakikita ko sa batang ito" Nakangiti kong sabi. hindi naman ako nakakaramdam ng kirot siguro dahil una palang hindi na ako umaasa na one day darating ang araw na ikakasal sya sa iba yung kasing pantay ng istado nya sa buhay hindi katulad ko na pagnawalan ng trabaho hindi na alam kung saan ako kukuha ng ikabubuhay ko.
"I'm not happy " sabi nya habang nakakunot ang noo. pansin kopang mahigpit ang pagkakakapit nya sa ballpen na hawak niya. 'hindi ko naman tinatanong kung masaya sya eh kasi alam ko naman na hindi'
" boss dapat maging masaya ka kasi ngayon may kasama kana sa buhay you should be happy kasi in the first place ikaw gumawa sa kanya hindi mo pwedeng pagsisihan kasi kubg may conflict man sa inyong mga magulang nya wala na siyang kasalanan doon" pangungumbinsi ko. nakokonsensya din kasi ako sa bata iniwan na nga bigla ng ina tapos hindi pa masaya yung ama nya na makita siya.
Napakunot ako ng aking noo nang hindi sya magsalita
"Boss Isipin mo nalang ang bata. Kung hindi ka marunong magalaga don't worry tutulungan kita pero promise mo dagdagan mo sahod ko ha. wala nang libre sa mundo" Sabi ko napangiti naman sya nang maisabi ko iyon.
Ngunit laking gulat ko nang lumapit siya sakin pero dahil sa gulat ko napaatras ako bigla pero patuloy lang siyang lumalapit.
" thank you for everything and to volunteer carying this child" Ngumiti ako ng alanganin pero pabiro akong tumingin sa kaniya
"babayaran mo naman ako ng sapat diba? kaya don't worry about him i can handle it" Sabi ko sabay kindat pero bugla niyang pinatong ang kanyang kamay sa ulo ko saka bigla itong pinalo.
Masamang tingin agad ang isinukli ko sakanya saka napahaplos ako sa aking ulo 'ikaw na nga tinutulungan nananakit kapa!'
napahinto nalang kaming dalawa nang biglang magising ang bata. kaya agad kaming lumngon sa kaniya. Nilingon niya muna ang paligid na parang may hinahanap ito pero nang hindi nya mahanap ang gusto niyang makita unti unting tumutulo ang luha sa kanyang mga mata at tahimik na humikhikbi.
agad akong lumapit sa kaniya saka hinaplos ang kanyang likod maya maya lang tumahan na din ito sa pagiyak. habang ang aking boss ay tahmik kaming pinagmamasdan.
"Who are you?" tanong ng bata ngumiti ako ng alanganin pero patuloy ko paring hinahaplos ang kanyang likod
"You're Daddy's Wife?" Hindi ko alam na parang patanong ang pagkakasabi ko pero narinig kong nagpipigil ng tawa ang nasa likod ko 'Pasalamat sya may bayad to kung wala na flush kana sa inodoro, saka no choice ako alangan naman sabihin ko na secretary lang ako na kaylangan syang alagaan dahil Wala pa sa maayos na katinuan ang kanyang ama'
"Ahmm you're daddy's wife? Bad din po ba kayo katulad ng mga nasa penikula?" Nagulat ako sa kanya pero nang marealize ko ang ibig niyang sabihin natatawa akong umiiling.
" of course not mukha ba akong bad? Eh mas mukha pang bad daddy m- ahmm i mean yung nasa pelikula hindi lahat ay totoo" sabi ko hindi kona kasi naituloy ang gusto kong sabihin dahil biglang umubo si boss sana tumabi sa amin. kanina kasi nakatayo lang sya habang nakatingin.
"Kala kopo kasi bad din kayo pano po kasi yung step papa ko ayaw ako kaya po binigay nalang po ako sa daddy ko" nang marinig ko iyon mismo sa bata nagkatinginan kami ni boss saka ako tumango 'anong klaseng magulang ang ipagpalit sa asawa ang anak? kung ano papapiliin bakit ko iiwan ang anak ko para lang sa lalaki. kaya ko mabuhay ng walang lalaki sa buhay wag kolang makita ang anak ko na mailayo sakin'
" Did you know me?" tanong ni boss para mawala agad ang topic na sinimulan kong itanong kanina
" yes you're my true dad right??" Mahinahong sabi niya. napansin ko namang napangiti ng kaunti si boss.
lumingon sakin ang bata
"What should i call you po?" Tanong nya. ngumiti ako bago sumagot.
"Just call me tita im ok with that" Sabi ko saka ko hinaplos ang kanyang buhok. nakangiti naman u***g tumango.
" diba po mag asawa na po kayo bakit po mag kalayo kayo ni daddy tita? kasi dapat po diba naka hug sayo si daddy?" Napangiwi ako saka timingin kay boss pero laking gulat ko nakatingin din siya sakin kaya agad agad kong nilongon sa iba ang aking tingin 'Lagot Na! ano ba itong batang ito ilang taon palang alam na nya tong mga gantong bagay!'