Kabanata 1
Prank
Tahimik.
Tahimik ang paligid ko. Naninibago ako kasi I'm working on a BPO Company and nasanay ako sa maingay na paligid. It's been a week simula nang malipat ako sa pang umaga na schedule at hindi ko lubos na akalain na ganito pala ang pang umaga na duty: nakaka antok.
Sinilip ko ang buntis na katabi ko. Nakataas ang binti nito sa isang square box na lalagyan ng gamit habang nakasandal sa office chair at may nakayakap na kumot dito. Mahimbing na natutulog.
Naubusan na ako ng gagawin, bagot na bagot ako dahil halos walang tumatawag sa oras ng duty ko. America kasi ang kliyente namin kaya sa mga oras na ito ay paniguradong natutulog din ang mga americano dahil ang umaga dito sa pilipinas ay gabi naman sa kanila.
Nang mag break time, napag usapan namin ni Alpha na sa pantry na lang mag lunch. Agad akong pumunta sa locker area para kunin ang cellphone. Napansin ko ang matangkad na payat at may kayumangging kulay na nakatayo sa katapat na dako ng locker ko. Siguro ay doon din yung locker niya.
Cute naman siya pala talaga, sabi ko sa isip. Kasi ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit, abot kamay ko pa.
"Anong baon mo girl," tanong sakin ni Alpha. Ni hindi ko ito napansin na dumating dahil sa cutiepie na nakatayo sa locker area.
"Wala girl, bibili na lang ako."
Nang paalis na kami, parang kusang gumalaw ang katawan ko para lingunin ang lalaki at nagulat na lamang ako nang kausapin ko ito.
"Ano nga ulit ang pangalan mo?" I said casually. Kunwaring alam ko na yung pangalan niya dati pero nakalimutan ko lang. That's how I do it with boys, I make sure I'll occupy their mind hanggang sa sila na ang mag habol sa akin.
Hindi nga lang effective kay Christopher kasi may iba siyang mahal. Tyaka napansin ko ding effective lang yun sa mga naive boys. Too clueless to even date.
Halata ang gulat sa mata niya at ganoon din ang gulat ni Alpha sa peripheral vision ko. Me on the other hand, parang gusto kong himatayin sa hiya but I did my best to not let it show. I should keep my cool. Hindi rin ito nakasagot agad dahil sa gulat. Ilang segundo ang lumipas narealize yata niya na siya nga ang kausap ko.
Ang tanga mo Shiloah.
"Ah, Nic." Tipid na sabi nito.
"Ahhh," I said as I slowly turned my head back to Alpha and continued to walk away as if nothing happened. The best I could do in this kind of situation kasi alam ko, I looked really really weird. I didn't even bother looking back.
Hindi ko na siya nilingon. Siniko ako ni alpha sa may tagiliran, "Kilala mo iyon?" Umiling ako.
"Gaga hindi mo naman pala kilala tapos ganon yung tanong mo, nagulat pa ako sayo."
Ako din girl, hindi ka nag iisa.
I am wearing a white cable-knit turtleneck sweater dress from Shein and I paired it with my knee-length 1 inch heeled boots na nabili ko sa ukay-ukay. My outfit looks good on me pero bakit ba ako kinakabahan, I should be confident. Kausapin ka ba naman ng isang magandang katulad ko. I laughed devilishly inside
"Ang cute niya kasi tyaka ang boring boring ng morning shift. Might as well find a reason para hindi maging boring ang umaga ko."
"Gaga ka talaga, baka mamaya kung ano isipin non."
I actually did not think about that. Kasi hindi ko rin inakala na I will suddenly strike a conversation with him. Hindi ko din alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob. And its actually not the first time I noticed him. His schedule is 2:00 AM to 12:00 PM local and we have the same day off. My duty is 7 in the morning until 4 in the afternoon kaya nasisilayan ko siya sa one half ng work hours ko. Medyo may katagalan na din nang marealize ko na may lihim akong pagtingin sakanya. Of course, I did my best to not let anyone notice it kasi baka kung anong issue nanaman ang ibato saakin.
Maybe its the loneliness inside my heart that made me do that. I was r***d before, that is when I lost my virginity pero na-overcome ko naman and believe me, its not easy. I tried being physically intimate on my previous boyfriend but we didn't worked out. Its been a year after that. Maybe my body aches for the feeling to be held, to be kissed and to be worshipped. My s*x drive is craving for it at nakakasawa na ding mag sarili na lang lagi.
After a week, sinadya kong iwasan si Nic. Hindi dahil hindi ko na siya crush pero dahil alam kong mas maho-hook siya sakin kapag ginawa ko to. He'll be curious and later on, he'll look for me. Problems with naive boys, can be easily manipulated.
"Chris, crush ko yung matangkad na payat na nakaupo doon sa may last bay. Pa-check nga kung anong full name non para ma-message ko sa Chatbox." Pabulong kong sabi kay Christopher.
He's the bubbliest in my friends and we really get a long well. May crush din ako sa kanya actually pero may nililigawan naman siya, si Myrle.
"Ang pangit naman ng crush mo," tumawa ito.
"Makapag salita naman to," inirapan ko siya pero bago ko talikuran ay nakita kong inalam niya din lang kung ano ang buong pangalan ni Nic.
Maya maya ay nag chat si Chris.
Chris:
Nicolson Narvasa
Me:
Thanks. Chris! You're the best.
I like his name. To be honest, I am fond with the letter N and even dreamed about naming my child Niccolo if its a boy and Natasha if its a girl.
Nicolai Anderson V. Narvasa II if its a boy or Natasha Lavine V. Narvasa if its a girl?
Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa mga pumapasok sa isip ko. Hindi ko pa nga siya nakikilala pero heto ako, iniisip na ang pangalan ng magiging anak namin!
"Huy, huminga ka naman diyan, nababaliw ka na yata." pansin sakin ni Alpha na kagagaling lang sa break.
Ngumiti ako ng maloko, "nababaliw na nga yata ako."
Wala akong maisip na magandang sabihin kay Nic kaya naman napagdesisyonan kong i-song prank na lang ito.
Me:
You're really cute, I must admit.
It's a song lyrics from Ruth B.'s Superficial Love. Hindi kasi halata sa unang lyrics na kanta nga ito, sinubukan ko ding i-prank si Chris at Lei ng lyrics na to pero nag react agad sila at sinabing hindi ko daw sila maloloko kaya naman nang mag reply si Nico ay parang ayoko ng reply-an pa ulit eh.
Nico:
I'm blushing right now, I must admit.
Damn. Tumayo lahat ng balahibo ko. To the highest level ang pag cringe ko sa sinabi niya. Paano ko sasabihin na song prank lang iyon? Sabagay, I find him really cute naman.
The hell, Shiloah!
I did not reply. What would I say? I just left him hanging. Bahala siya dyan bakit kasi sa dinami dami ng ire-reply niya bakit ganon pa? Napaghahalataang easy boy eh. Madaling makuha, pakitaan mo lang na interesado ka sakanya, kayang kaya mo na siyang paikutin sa kamay mo.
That will not be love. I want real love.
A part of me was turned off. Yeah, sadly. Ang pogi pa man din niya.
"LS Roy, kilala mo ba si Shiloah Novalie Verdan?"
Napatalon ako nang marinig ang buong pangalan ko. Palihim kong sinilip kung sino ang nagtanong pero kahit yata hindi ko na silipin ay alam kong si Nico iyon. Nakita kong sinuyod ni LS ang buong production floor namin. Damn, binaba ko ang kalahating katawan sa ilalim ng lamesa at kung wala lang akong kausap na customer ay mag tatago talaga ako sa ilalim!
"Bakit mo siya hinahanap?" rinig kong sagot ni LS.
"Wala lang LS, hindi ko kasi alam kung anong itsura nya." Tama nga naman ito dahil nung kinausap ko siya sa locker ay hindi niya alam ang pangalan ko at nung kinausap ko siya sa Chatbox ay hindi naman niya alam ang itsura ko.
Malapit lang ang kinauupuan ko kay LS Roy pero nasa kabilang bay ako kaya hindi ako matatanaw ng mata niya.
Hindi nag tagal ay may biglang may dumungaw sa tapat ko, si LS Roy! Pakiramdam ko kasing pula na ng kamatis ang mukha ko sa kahihiyan. Damn!
Parang gusto kong patigilin ang mundo. Hindi ko alam kung anong gagawin, mag tatago ba ako? Mag ha-hi ba ako?
Para lang akong naestatwa nang mga oras na iyon, unable to speak, unable to move and...shit! Napagtanto kong pigil hininga akong nakatitig sa malokong mukha ni LS Roy na nakatingin. Tila ba sinasabi ng expression niya na: Anong meron sainyong dalawa ni Nic?
LS Roy chuckled when he saw me looking like a red tomato; like a fool.
Damn.
I sighed. Defeated.