Kabanata 2
Stolen
Kinaumagahan, pag pasok ko sa trabaho. It was never the same old boring days.
Once I logged in my credentials, my chatbox beeped and its a message from him.
Nicolson:
Hi
After giving it some thought, I replied.
Me:
Hi
Narealize ko kasing wala namang mawawala kung susubukan ko makipag ka-ibigan dito sa lalaking ito. Atyaka I am also looking for warmth charot. Feeling ko handa na ulit akong sumabak sa isang relasyon.
Nicolson:
I wasn't able to see you yesterday, how are you?
Me:
Yeah, I'm good. hbu?
Nicolson:
I'm good tho hindi nakatulog ng maayos kakaisip sayo.
Siguro dahil ilang buwan akong hindi nakakarinig ng mga cheesy lines kaya parang iba ang epekto non sakin. I'm cringing.
Sabagay kung makapag salita naman ako ay parang hindi din ako naging ganoon, corny din naman ako. Imagine with the lines I said to him the first time I chatted him. Na-cringe din siguro siya kaya hindi ko rin siya masisisi. Parehas kaming corny! Nagtipa ako ng ire-reply.
Me:
Why?
Nicolson:
I tried to look for you in social media but there are no results found even on i********:.
Me:
Oh, yeah. I'm not into socmeds lately. Ang toxic kasi. Why are you looking for me?
He's right. Kung hahanapin mo ako sa mga social media ay hindi mo mahahanap ang pangalan ko kasi I deactivated my accounts. I just wanna get away with the toxicity and I feel like my social energy was drained. Kailangan ko muna ulit mag recharge.
Nicolson:
I wanna be friends with you.
I wasn't able to reply kasi biglang nag sunod sunod ang pasok ng tawag sakin. Nang maubos ang mga tawag saakin, tiningnan ko ang orasan sa computer. Malapit ng magtanghalian. Malapit na rin siyang mag out.
Nicolson:
Is it okay if I ask you to wave bye for me before I go home? So I could see you?
I don't know why pero nag patianod na lang ako sa agos, kung saan man ang paroroonan nito ay hindi ko alam and it doesn't worry me anymore. I somehow felt the vibe that I think I could trust this guy so why not giving it a try?
Me:
Sure
A minute later, I saw his chatbox being logged out. That's my cue. I slowly looked up enough to see any person that is standing somewhere and I immediately saw him heading towards the door.
He smiled at me shyly as I wave him goodbye. He nodded as if he can read what's inside my mind. Gusto ko lang naman kasing sabihin na mag-ingat siya pauw. I'm still on my poker face. I am not really sure how to react since this is just the second day of us talking to each other. He now turned his back at me punched out his badged and walked out.
Hindi ko napansin na naiwan pala ang mga titig ko sa pintuan kung saan ko siya huling nakita. Pinapakiramdaman ko ulit ang sarili. A part of me is ready to start a new relaionship pero hindi ko kayang itago ang katotohanan na may isang parte sa utak ko ang natatakot na masaktan ulit.
Should I give this a try? Umiiling ako, sinusubukang iwaksi ang mga pumapasok sa isip.
"Shiloah, you don't have to think like that this early. Marami pang magagandang pweding mangyari kaya wag mong pangunahan." I muttered to myself.
Our day went on the same. Kind of boring actually pero ayos lang kasi maganda naman ang sweldo namin kahit na lagi kaming nakaupo at nakaharap sa comupter.
"Shiloah," narinig ko si Chris sa likod ko.
Nilingon ko siya, mukhang mang aasar nanaman dahil sa ekspresyon nito.
"Tara punta tayong sm." Pag aya nito.
Dahil wala naman akong gagawin at kailangan ko din ng fresh air, pumayag na rin ako sa pag aaya ni Chris.
I'm wearing a baggy pants from Levis and partnered it with a black v-neck na hapit na hapit sa katawan ko. Naka itim ako na 2 inches heels kaya naman nang mag punta kami sa sm ay parang pinag sisihan ko na sumama pa ako.
Ang hirap kasi mag heels kapag yung dadaanan mong kalsada ay matarik tapos mayamaya maayos mayamaya ulit matarik nanaman.
Nag kakatuwaan kami ni Christopher at naisipan naming inggitin si Lei. Muntik na itong hindi makapunta kasi hindi siya pinayagan ng girlfriend niya pero tunakas ito, nag kunwari na matutulog na para hindi na tawagan ng girlfriend.
Sana all.
Habang hinihintay namin si Lei, nakaupo kami ni Christopher sa plastic na bermuda grass sa Art Hall. Puno ng mga paintings ang nakasabit sa pader at mayroon ding mga iba't-ibang klase ng arts ang mga naka display doon.
"Siguro kung mas nauna kitang nakilala kaysa kay Myrle baka ikaw yung niligawan ko." Napatingin ako sa sinabi ni Chris, out of the blue kasi ang pag open niya ng topic na iyon.
"Alam mo kung ako ang magiging girlfriend mo baka hindi ka rin mag tagal saakin."
Kahit na alam kong maganda ako, walang nag tatagal sa ugali ko. Hindi naman ako masamang tao pero pag ako na yung pinili mo, magsisisi ka na.
"Syempre kung naging tayo man, mag tatagal ka sakin kasi nagiging slave ako pag dating sa pag-ibig. Gagawin ko ang lahat para mag tagal ka."
Napabuntong hininga na lang ako. I am very comfortable with Chris. Nasasabi ko lahat ng nasa isip ko, alam niya rin kung paano hulihin ang kiliti ko pero alam kong parehas kami ng ugali.
Sa pag tagal, mag sasawa din kami sa isa't-isa. Napasandal na lang ako sa balikat niya.
Ang tagal naman ni Lei.
Nanatili kaming ganoon, maya maya mag kukulitan, mag pipicture tapos pag napagod sasandalan ang isa't-isa.
Hindi nag tagal ay dumating na rin si Lei. Kumain kami ng Corn dog sa Krum Krum at naglibot libot lang sa sm.
Sa department store kami nag tagal dahil ginawa ba naman nila akong barbie. Nabudol tuloy ako ng isang office set ng Forever 21 at sapatos ng Parisian.
Natapos ang araw ko ng wala masyadong iniisip. For me, masaya ako kasi kasama ko silang dalawa at pareparehas kaming nag eenjoy na tatlo.
Bago ako matulog may sinend sakin si Lei na picture sa messenger. Pag open ko, stolen shot pala namin ni Chris. Nakasandal ako sa balikat niya at nakasandal naman siya sa ulo ko.
We looked peaceful. Bagay kami.
Si Christopher na lang kaya ang gawin kong boyfriend?