Kabanata 4
Sleepover
Nang gabing iyon, niyaya ko na siyang matulog sa boarding house ko kasi hating gabi na rin at malayo pa ang uuwian niya. At tyaka limang minuto lang ang layo ng boarding house ko sa burnham.
Sa room ko, hindi naman ako mag isa doon. Kasama ko sa kwarto si Ruth at ang boyfriend niyang si Rage. Double deck kasi yung bed namin, ako sa taas at silang dalawa sa baba.
Nilatag ko ang air bed ni Ruth para doon na lang mahihiga si Nicolson. Nahihiya nga siya, hindi niya alam kung ano ang gagawin at sasabihin niya lalo kapag kinakausap at kinikilatis siya ng bestfriend ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Nicolson.
"Ayos lang ako, pwede bang mag tanggal ng pantalon? Naka shorts naman ako sa loob. Para lang sana kumportable matulog."
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Oo naman, isabit mo na lang doon yung pantalon mo."
Pagkatapos niyang isabit ang pantalon niya ay umupo siya sa airbed, agad na nag hanap ng pweding ipantakip sa pambaba niya.
Napaisip ako kung konserbatibo ba siya o sadyang nahihiya lang siya kasi nasa ibang pamamahay siya?
Natawa ako sa naisip.
Tinabihan ko siya sa airbed, umusod naman ito palayo saakin para hindi mag tama ang balat namin. Tila nakakapaso ako kaya hindi dapat madikitan.
Do I look like a temptation right now? To this innocent man beside me, I may be.
"Nako bes, nag latag latag pa kayo ng airbed diyan pustahan mag katabi din lang kayong matutulog sa taas." Pabirong wika ni Ruth.
"Syempre bes just in case." Sagot ko naman.
Inasar asar pa kami ni Ruth pero ilang oras ang nakalipas, dahil pare-parehas na rin kaming mga pagod. Sinara na nila yung kurtina sa may higaan nila para privacy.
Naiwan naman kaming dalawa ni Nicolson na mag katabi dito sa airbed, halos walang gumagalaw saamin dahil sa bawat kaunting kilos ay tumutunog ang airbed.
Nakasandal ako sakanya ngayon at nakatingin naman siya sakin, inoobserbahan ako at siguro iniisip niya kung ano ang iniisip ko.
"Wag ka masyadong kabahan, ako lang 'to." Sabi ko. Napatingin siya sa labi ko pero nag iwas din agad ng tingin. Nahuli ko ang ginawa niya pero nag patay malisya na lang din ako.
"Diba nabanggit mo kanina na nag work ka sa spa as massage therapist?" Tanong nito.
"Oo, sampolan kita?" Sagot ko.
"Pwede naman, kung okay lang sayo. Mag papamasahe sana ako sa likod."
"Pero babalaan na kita ha, ilang taon na akong walang practice kaya hindi ko alam kung alam ko pa rin bang mag massage."
"Okay lang iyon."
Kinuha ko yung mansanilya dahil wala akong oil, may lotion naman ako kaya lang magasta kapag lotion.
"Gusto mo bang humiga sa bed ko? Kung dito kasi kita imamassage, maingay."
Tumango siya at nauna na siyang umakyat. Pagkaakyat ko, hinawakan ko yung dulo ng sando niya. Nagkatinginan kami. There's a bit of tension that has been present in the air ever since we arrived here. Hindi ko iyon mapangalanan noong una pero sa tingin ko ay alam ko na ang maitatawag ko doon.
Binitawan ko ang sando niya at hinayaan siyang kusang mag hubad. Pinadapa ko siya at inayos ang mga braso sa magkabilaang gilid niya.
Nang ayos na siya ay umupo ako sa pwet niya. Though hindi naman kailangang ganon pero sinadya kong maging ganon ang ayos naming dalawa.
I feel hot down there at ngayong nakapatong ako sa may ibaba niya ay alam kong nararamdaman niya din iyon.
Am I seducing this cute, sweet and innocent boy?
I could say yes, hinahanap ng katawan ko ang physical affection at tao lang din ako. Sinusubukan mag timpi lalo kapag may katabing lalaki sa kama.
His body built is also my type, flat abdomen though wala pang abs. Matangkad na payat. Mahaba at naka natural curl ang mga pilikmata. Maliit na mata, double eyelids ito. Matangos din ang ilong. At ang labi niya...
"Whenever you're ready." Wika nito na nakapag pabalik sakin sa kasalukuyan.
Nilagyan ko na ng mansanilya ang palad ko, dahan dahan kong inilapat iyon sa likod niya. In slow motion, I started to massage him. Basic lang naman, swedish massage. Hinanap ko din ang mga lamig lamig niya sa likod.
Naririnig ko ang mahinang ungol niya, alam kong nasasarapan ito pero pinipigilan niyang gumawa ng ingay.
"Ang dami mong lamig lamig." Basag ko sa katahimikan.
Hindi ito nakasagot, patuloy pa rin kasi ang pag hilot ko sa likod niya. Halos makatulog na din ito, nakaginhawa.
Nang matapos ang isang oras ay tinigil ko na ang pag hilot. Pinag pahinga ko muna ito ng limang minuto bago pinatihaya.
"Kumusta?" Panimula ko.
I can see his sleepy eyes looking at me. I can tell that he enjoyed it.
Ngumiti ito.
"Come, let's sleep." Sabi niya. He moved a little just so I could lie down beside him. He stretched his hand below the pillow silently saying that he wants me to sleep on his arm.
And I did.
Nakaunan ako sa braso niya. Nang tingnan ko siya, nakapikit na ito. Inilapit niya ako sakanya. Almost hugging me.
I can feel his member down there. At alam kong dahil saakin kung bakit mabuhay ito.
Nang mapansin niyang dumikit iyon sa thighs ko ay kinuha niya ang maliit kong unan at itinakip sa nakaumbok sa shorts niya.
"I'm happy." Halos pabulong nitong wika.
"Yeah, me too." Sagot ko pabalik.
The moment felt peaceful, after a few minutes of silence ay narinig ko na ang lalim ng pag hinga niya senyales na nakatulog na nga ito.
I stared at his beautiful innocent face. Maybe giving him a chance is worth it. Excited na ako na magising palagi at ganito ang mabubungaran ko sa umaga. O kaya naman mayroon akong mababasang sweet message pag bukas ko ng aking cellphone.
It's been so long since I last felt that excitement. Sana hindi niya naririnig ang lakas ng t***k ng puso ko.
I reached for his forehead and I softly brushed my lips there. I smiled then closed my eyes as I fell asleep hugging him back.