NAPATIGIL si Brielle sa ginagawa nang tumunog ang ringtone ng cellphone na nakalapag sa ibabaw ng bedside table niya. At nang damputin niya ang kanyang cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya ay hindi niya napigilan ang bahagyang mapakunot ng noo nang makita at mabasa niya kung sino ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. Walang iba kundi si... Apollo. Wala namang ideya si Brielle kung ano ang sasabihin o kailangan nito sa kanya kung bakit ito tumatawag. Eh, magkatabi lang naman ang kwarto nilang dalawa. And mostly, kapag may kailangan ito sa kanya ay pinupuntahan siya nito sa kwarto para personal na tawagin. Pero ngayon ay kailangan pa nitong tawagan siya sa cellphone. Tinamad yata ito ng sandaling iyon. Agad namang sinagot ni Brielle ang tawag nito. "Hello?" wika n

