The Other Knight Nagising si Lyan dahil sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Kakaiba ang pag-sikat ng araw dito, Sobrang maliwanag. Mabilis lamang niya inihanda ang kanyang sarili. Naligo lamang siya at nagsuot ng polo blouse at naka palda hanggang tuhod. Naalala niyang ngayon ang kanilang huling araw at nakatakda na mag-tutungo sila ng Vigan ngayon. Nang lumabas siya ay napansin niyang tahimik ang Resort, kaya naman dumiretso kaagad siya sa Front Desk. “Miss Nasaan po sila Sir Chase?” Tanong naman nito. “Ay! Oo nga pala, Nauna na po sila kasama ang kambal at si Miss Hana. Hinatid mo sila ni Sir Kim. May katagpo daw si Sir Chase at hinahabol niya po iyon. Pero may susundo daw po sa inyo.” Napatingin naman si Lyan sa may entrance dahil mayroong Puting Kotse na tumigil doon.

