Nanny is Home~ Kaagad na bumaba si Lyan sa sasakyan ni Chase nang ma-iparada ni Kim ang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay. Maaga pa lamang ay dumating si Kim sa kanilang bahay upang sundoin si Chase. Mukhang nadeprive sa tulog si Chase at sa buong byahe ay tahimik ito at napapaidlip. Dahil gustong maiwasan ni Lyan si Chase sa ngayon ay napatiuna ito sa pag-lalakad. “I should take the day off,Kim. Medyo umiikot pa ang paningin ko.” Narinig naman ni Lyan sa kanyang likoran ang boses ni Chase. “Darating po si Mr. Lucio Ban ngayong araw Sir, He is expecting you“ “Fine. Maliligo lang ako” “Chastino! Nakabalik ka na pala!” Nagulat na lamang si Lyan nang may nakita siyang isang babae sa harapan niya na nakasuot ng mahabang dilaw na bestida. Sinundan niya ng tingin ang babae nang mag-

