Guilty Pleasure NANG matapos ang meeting ay inayos kaagad ni Chase ang kanyang mga gamit. Medyo natagalan ang kanilang meeting ngayon dahil inabot na sila ng gabi. "Mauuna na ako. Hinihintay ako ng asawa ko." Tinapik naman ni Kim ang balikat ni Chase. Soon to be Daddy na kasi ito kaya medyo hindi mahagilap ni Chase ito tuwing free day niya. Napatingin naman si Chase kay Tanya na kaparehas niyang nag-aayos pa rin ng gamit. "Gabi na pala. Gusto mo mag-dinner?" Napaiwas ng tingin si Chase nang biglang magsalita si Tanya. "Nagugutom ako eh" Napahawak naman ito sa kanyang tiyan. "Wala pa akong kain mula kaninang umaga. Hindi ako marunong magluto." Napatawa naman ito. Bitbit niya ang bag ng kanyang laptop at humakbang ito palapit kay Chase. "Mag-ayos ka na ng gamit. Hintayin kita sa

