Kabanata 3

1132 Words
LAKING gulat ni Summer ng makita ang manok nitong tuluyan ng nakaalis sa lalaking may hawak hawak nito at nagtatatakbo na papalayo. " Ang manok ko !" Sigaw ni Summer saka tumakbo ng parang walang pakialam nung mabangga niya itong si Alex na nakaharang sa kaniya. " Se--Serene !" Tanging naibukang salita na lamang ni Alex habang sinusundan ng tingin ang nuong babaeng  kasalukuyang humabol na sa manok. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi na nahabol ni Summer ang manok. " Nak ng sinampalokang manok talaga oh." Galit na humarap itong si Summer saka humakbang papalapit sa kaniya ng nakapamewang at kunot noo saka siya dinuro duro. " Hoy ! Gusto mo bang ikaw ang ipalit ko dun sa manok huh? Ang sinabi ko kanina hawakan at ingatan hindi bitawan jusme. Tingnan mo ng ginawa mo? Paano ko pa mahahanap yan huh? Pambihirang buhay naman oh ! Mister, bayaran mo na lang pwede?" May halong pagkainis ang boses niya habang nakatitig at napapakamot sa ulo sa harapan ni Alex. Pero tanging titig lang sa kaniya ang nakuha niya sa lalaking sagot. " Nak ng--Babayaran mo o hindi?" Kunot noo nitong titig kay Alex. " Oy Mister !Papatayin ako ng lola ko sa ginawa mo ey, bat mo kasi pinakawalan? " " Se--Serene--i--ikaw ba y-yan?" Tanging nailabas muling mga salita mula sa bibig ni Alex habang nakatitig sa kabuuan ng mukha ni Summer. Napakunot naman si Serene. " Serene? Teka--okay ka lang ba mister o sadyang may sayad lang? Mukha ba akong may buntot?" Napapailing si Summer saka tiningnan mula ulo g**g paa si Alex at napailing. "Tsk ! Kung minamalas ka nga naman Sunny Summer, sumablay ka pa yata sa taong may kulang. Talagang malalagot ako nito kay tanda ii. Pambihira naman oh ! "Bulong niya sa sarili habang napapailing. " Ano na Mister?" Halata na sa boses ni Summer ang pag kainis. Ngunit ikinagulat din niya ng magsalita ang lalaking kakalapit lang sa tabi ng lalaki na mukhang gulat na gulat din ng makita siya. " Serene---" Aniya ni Forrest na nanlaki ang mga mata sa kaniya na mas lalo namang ikinainis ni Summer " Tsk ! Ewan ko sa inyo. Malala na kayo. Akina nga yan." Sabay hablot niya sa basket na hawak hawak ng isang kamay ni Alexius at napapailing sabay tapon ng masamang tingin kay Alexius at Forrest. Lagot ka talaga ngayon Sunny Summer kay tanda. Bagsak ang brasong sambit ni Summer sa sarili.  HALOS ilang minuto ding parang mga bato sa kinatatayuan sa pagkakatulala ang dalawang magkaibigan ng makita nila si Summer.  "Pre, tama ba talaga yung nakita ko? Kamukhang kamukha talaga siya ni Serene--o mi--minumulto---minumulto niya tayo? Nako jusko po wag naman. Si--siguro nagalit si--si Serene kasi--kasi inaya kita dito pa--para kalimutan lang siya---" Aniya ni Forrest na bumasag sa katahimikan na kinikilabutan pa din.  " Aray ko naman--" Reklamo ni Forrest ng batukan ni Alex. " May multo bang sumisigaw na akala mo siga sa kanto, may multo bang nagbibitbit ng basket ng itlog? At may multo bang nanghihingi ng kabayaran sa manok na nawala? Kakanuod mo ng horror yan umeepekto na." Sambit ni Alex habang napapalunok at napapaisip sa babaeng kamukhang kamukha ni Serene.  " Pero kamukhang kamukha talaga siya ni Serene. " Dagdag ni Alex saka sinimulang ihinakbang ang mga paa na nito. " Pero paano nangyari yun? Kamukhang kamukha talaga niya kahit sang anggulo tingnan, mapa height halos kapareho. Parehong pareho talaga sil---" Napapaisip na sambit ni Forerst. " Shut'up--wag mong kumpara ang asawa ko sa babaeng yun. " Diing saad ni Alex. " Psh ! Pero aminin mo nagulat ka din ng makita mo siya." Tanong ni Forrest sabay siko sa kaibigan na hindi naman inimik ni Alex. Serene, kung hindi siguro kita nakitang nasa kabaong iisipin ko talagang ikaw yung nakita ko, na ikaw yung nasa harapan ko kanina mahal. Pero paano? Paano nangyaring kamukhang kamukha mo ang babaeng yun? O sadyang sobrang miss na miss lang talaga kita kaya nasasabi ng mga mata kong kamukhang kamukha mo siya. SAMANTALA, hindi naman nahirapan si Summer sa pagbebenta ng kaniyang mga dalang itlog pero labis ang pagkainis niya pa din sa lalaki kanina na magpapahamak pa sa kaniya ngayon pag uwi niya sa bahay. Sandali siyang napaupo sa gilid ng kalsada at napahilamos sa mukha saka tinitigan ang basket na wala ng laman.  " Nakakainis, yung mga anak naibenta ko pero yung nanay di ko na nga nalechon at nakain eh di pa naibenta. Bwisit na lalaking yun mapapalo na naman ako nito ni lola sa katangahan ko. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari sana ikwinitas ko nalang yung manok na yun ng wala ng kawala. Aysss ! Malalagot talaga ako pag uwi nito. Tsk ! Anong gagawin ko?"  " Oy Sum-sum !" Tawag sa kaniya ni Maureen ang kababata niya. Agad naman siyang napatayo. " Oh ano atin?" Tanong nito. " Bat ganyan naman itchura mo para kang pinagbagsakan ng mga itlog inday?" Tanong ni Maureen sa kaniya na natatawa sa itsura ng kaibigan. "Hindi lang itlog pati ipot. Pano ba naman kasi pera na nawala pa dahil sa bwisit na lalaki kanina. Mapapatay ako ni lola nito kapag wala akong ibinigay na pera sa lola para sa benta ko sa manok." Nakanguso nitong sambit. " Huh? Bakit ano bang nangyari? Anong kinalaman naman nuong lalaki." " Basta. Teka--pano mo ko natuntun dito?"  "Inday, sa itsura mong yan di kita matutunton? Kahit nga amoy mo kayang kayang matuntun ng aso ako pa kayang kabisadong kabisado na mga yapak mo." Aniya ng kaibigan. " Oh--ey ano naman kailangan mo?" Tanong nito na ikinangiti ng pagkalapad lapad nitong si Maureen. " Nako andyan ka na naman sa ngitiang yan. Panigurado ikakapahamak ko yan. Hindi pwede." Sambit niya. " Tangek hindi, magkakapaera ka pa nga ii." " Talaga?" Agad niyang tanong na siyang nagpaaliwalas sa mukha niya. " Kitam interesado ka din pala hahaha." " Ano ba yun?" tanong niya ulit sa kaibigan. " Basta sumama ka sa akin." " Oy teka--Hoy Maureen kung plinaplano mong ibenta tung kagandahan ko sinasabi ko sayo na magkikita kayo ni Satanas." " Ang harsh mo huh? Tutulungan ka na pinag iisipan mo pa ng masama. Sige ka, ikaw din malalagot mamaya kay Lola Adora---." " Siya--siya sasama na ako. Siguraduhin mo lang na nasa tamang daan pa tayo kundi talagang pati atay mo tatadtarin ko." Pagbabanta nito sa kaibigan na ikinailing lang. " Wag kang mag alala, bukod sa pera mabubusog ka pa." Pagtataas ng isang kilay nito sa kaibigan ng nakangiti. Inakbayan naman siya ni Summer. " Hulog ka talaga sakin ni Satana--este ni Lord."  " Psh ! Tara na nga baka kung ano pa sabihin mo, magbago pa isip ko." Sabay silang dalawang nagkatinginan at magkaakbay na ihinakbang ang mga paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD