Kabanata 47

1950 Words
  MAGDIDIDILIM na ang kalangitan ng makarating sa bundok itong si Summer, halos tatlong oras din niyang hinintay ang sasakyan bago siya tuluyang makasakay. Ramdam ng mga binti niya ang bigat at pilit na paghila niya sa mga ito upang makahakbang, mas tumindi pa ang pagod niya dahil sa katahimikang bumabalot sa papadilim na kapaligiran. "Konting hakbang na lang, natatanaw ko na ang munting kubo." Napapangiti nitong bulong sa sarili saka siya napahinto at napatindig ng tayo.  "Sana naman pagdating ko nagbago na ang isip ni tanda at bawiin na nito ang kagustuhang ipakasal ako sa lalaking iyon." Sabay bitaw ng malalim na hininga at tuluyang napahakbang na. Samantala, nasa labas naman si Alex at abala sa pagkuha ng mga litrato, naalala kasi nito na may dala pala siyang camera. Kaya ng makita niya ang pababang araw ay minabuti niyang kuhanan ito. Sa muling pagkakataon, kukuhanan niya ng litrato ng hindi na kasama o katabi ang asawa niya. "Walang kupas, kung kasama kita baka kanina mo pa ako kinukulit na kuhanan ko ng larawan ang sunset na iyan. Ganitong tanawin pa naman ang pinakagusto mo, tanda ko pa kung gaano ka napapangiti habang hinahatak hatak mo ko para lang kuhanan ko yung sunset, at sa pagmamadali mo at pangungulit hindi ko pa makuha-kuhanan ng magandang anggulo." Bulong nito sabay guhit ng mga labi nito sabay titig sa camera, at tiningnan ang mga kuhang larawan nito hanggang sa tumambad sa kaniya ang larawan nilang mag-asawa na kinuha noong huling hiking nila. Ganitong-ganitong oras din noon, pababa ang araw sa litrato nilang iyon. "Sa ganda ng ngiti mo diyan, hindi ko aakalaining iyon na pala ang huling hiking natin na magkasama." Bulong ni Alex sabay ngiti ng mapait. Sariwa pa din sa puso at alaala niya ang lahat lahat ng pinagsamahan nila. "Kung hindi sana dumating ang araw na iyon, hindi ka sana mawawala." May pagsisising bulong nito ng biglang-- "Ano iyang hawak mo?" Rinig niya mula sa likuran dahilan para mapaigtad siya at mabilis na mapaiwas sa gulat ng makita si Summer. "Anong-anong ginagawa mo dito?" Mataas ang boses niyang tanong. "Ay--sungit naman nito." Napapanguso at napapailing na saad ni Summer sabay baba nito sa basket. Napapalunok naman si Alex sa kaba kung nakita ba o natitigan ni Summer ang larawan na nasa camera nito. "Ah--nang-gugulat ka naman kasi." Sambit nitong si Alex kay Summer. "Gulat? Hindi ka naman nagulat, mas mukha ka pang nanerbyos." Aniya nito sa kaniya sabay irap. "A-ahm, k-kanina ka pa ba sa likod ko? N-nakita mo ba?" Tanong nitong si Alex bigla. "Hmm-hindi, kalalapit ko lang sa iyo noon. Nakita kasi kitang mukhang tanga na ngingiti tas biglang sisimangot." Sambit nitong si Summer sa mataray nitong boses. Agad namang napatango itong si Alex. "A-eh, m-may nakita ka ba?" Tanong nito. "Nakit? Malamang. Ayang hawak mo? Ano ba iyan?" Tanong nito sa kaniya na ikinalunok niya muli ng laway. Habang nagdarasal ang isip niya na sana ay hindi nito nakita ang larawan. "Ah-huh?" "Kelan ka pa nabingi? Sabi ko ano iyang bagay na hawak mo?"  "Ah eto? Latest na labas na camera." Sagot nitong si Alex sabay taas nito. Agad namang napatango si Summer. Kahit papaano kahit hindi pa siya nakakita ng totoong anyo ng isang camera, may ideya naman siya patungkol dito, alam niya naman kung para saan ito dahil madalas niyang marinig ito sa kaibigang si Mau. "Ah--okay. Ang laki naman niyang selpon mo. Tsaka mukhang mabigat huh?" Sagot nito na ipinagtaka naman bigla nitong si Alex sa hindi niya maintindihan kung anong ibig nga ba nitong sabihin. "Anong--anong selpon ba tinutukoy mo?" "Selpon, taga siyudad ka wala ka noon? Di ba nga may camera ang selpon? Ayong kay Mau maliit lang tas patouch touch ginagamit din niyang pantawag sa mga lalaki niya, tsaka si mayor din, ayong tatay niya may ganun. Kaso ayang sayo--kahit bagong labas siya mukhang sinaluma ang dating. Mukha ding mabigat tsaka bakit ganiyan ang pindutan kaunti lang? Paano ka makakatawag o teks niyan? Yung kay Mau, pipindutin lang iyong camera sabay picture na ayang sayo--parang--parang latest nga." Sambit nitong si Summer na nalilito na din sa mga sinasabi. Habang itong si Alex ay biglang napangiti na lamang ng matumbok ang ibig sabihin nito.  "Ahhh--alam ko na iyong tinutukoy mo. Iyong alam mo ay camera lang sa phone hindi itong camera na mismo na hawak hawak ko." "Huh? Tinatawanan mo ba ako?" Sabay kunot noo ni Summer ng mapansin nitong nakangisi na si Alex. "Alam mo kasi magkaibang magkaiba sila. Etong hawak ko ang purpose lang nito ay magcapture ng magagandang tanawin o magvideo. Literal lang na kamera. Ayang phone na tinutukoy mo ay meron namang nakaattached na noon na camera din pero cellphone naman ang tawag. Ang cellphone ay nagagamit sa pagtawag, teks, pagkuha din ng magagandang larawan." Pinadali nitong pagpapaliwanag kay Summer. "Ay oo alam ko naman ang selpon dahil nakikita kong gumagamit si Mau noon. Ibig sabihin ko ba ay, mas latest iyong si selpon dahil madaming nagagawa, ayang camera mo lumang luma kung ikukumpara dahil isa lang purpose." Napapailing saad nito dahilan para mapangiti ang isip nitong si Alex, kahit papaano napapatunayan niyang ang kaharap niya ay isang babaeng si Summer at hindi si Serene. "Oh, ano tama ako diba?" Tanong nito kay Alex na ikinatango na lamang habang pilit nitong inaaninag na ang ekspresyon ng mukha dahil nga sa pagdilim na ng paligid. "Ah--oo, t-tama ka nga." "Sabi na eh, kung di mo na itatanong--matalino talaga ako. Madalas mabigyan ng award pa." "Talaga?" Napapangisi na si Alex, tila bigla siyang nakaramdam ng pagkainteres sa mga naririnig niya ngayon. "Oo--sa sobrang dami kong award, hindi na ako nabigyan dahil naubusan daw ako."  "Teka ano bang award iyon?" Usisa nitong si Alex. "Hmmm-natatandaan ko sabi sa akin ni Apo Principal eyh, pwedeng pwede na daw sa akin ang award na best in late of the year at baliknatoryan." "Huh?" Biglang nawala ang ngiti nitong si Alex sa hindi nito magets na sinabi ni Summer. Agad namang natawa si Summer sa naging reaksyon nitong kausap niya. "Hahahaha! Tiwala ka talaga na mabibigyan ako ng award? Ang award para sa matatalino lang oy. Hmm-matalino din naman ako kaya lang dahil sa kahirapan ng buhay at sitwasyon ko--kung hindi ako late sa pagpasok--ey, di naman ako nakakapasok. Eh sa lagay na ito sino ba di malalate sa pagpasok kung araw-araw babaybayin ng mga paa mo ang ganun kalayong daan makapasok lang ako sa bayan, madalas naiiwan din ng byahe sa bus o minsan walang byahe. Pero wag ka huh? Sa lakas ng kapit ng kahirapan ko nakatanggap ako ng skolarship mula kay Mayor, mula sa aking ninong na walang kakupas kupas sa kabaitan." "Skolarship? Para ba sa kolehiyo?" Usisa nitong si Alex na biglang pumasok din sa isip nito ng ikwento sa kaniya ni Forrest ang tungkol sa oportunidad na tinutukoy ni Mau na binigyan daw eto ng skolar ngunit dahil sa walang makakasama ang lola niya ey hindi daw eto nagpatuloy na lang. "Hmm--oo, yun nga. Pagkakataon ko na din sana iyon para makita ang kabuuan at ganda ng Maynila na madalas ko lamang naririnig sa mga kwento nitong si Mau." "Oh eh anong nangyari?" Tanong nitong si Alex. "Eh wala, sayang--di ako tumuloy. Noong nalaman ni lola, pumayag naman na siya kaso noong araw na kailangan ko ng maghanda para sa pag-alis ehy bigla bigla namang nagbago ang isip at hindi na ako pinayagan pa." "Ano? Eh akala ko ba ayaw mong iwan lang ang lola mo kaya-kaya hindi ka tumuloy?" Biglaang sambit ng bibig nitong si Alex. "Huh--teka? At sino naman may sabi sayo?" Tanong ni Summer. "Ah--huh? Eh--oo s-sabi nitong kaibigan mo kay Forrest." Sagot naman nitong si Alex na ikinabuntong hininga nitong si Summer. "Talaga ang bunganga noon punong-puno ng sili at di maitikom." Bulong nitong si Summer. "Huh--" "Ah wala, oo--yun yung sinabi ko na lang p-para sabihin niya kay ninong. Yun kasi ang paliwanag ni lola kay ninong noon kaya pinanindigan ko na. Pero alam naman nitong si Mau kung ano ba talaga ang totoo." Saad nitong si Summer saka dinampot ang basket. "San-sandali, ba-bakit naman a-ayaw kang payagan ng lola mo na pumuntang Maynila?" Tanong bigla nitong si Alex ng walang kapreno-preno. "Ewan ko, siguro di niya lang talaga kayang mahiwalay ako sa kaniya. Alam mo na-kaming dalawa lang, lumaki akong siya lang ang naging mundo ko at kasa-kasama. Isa pa, sa edad niya kinakailangan niya na din ng laging may kasama kay hindi ko na pinagpilitan pa. Sapat na sa akin na natuto akong magbasa at magsulat kahit papaano." Aniya nito at kahit madilim man naaninag pa din ni Alex ang mapait nitong ngiti bago pa man siya talikuran. Napatigil naman si Alex habang unti-unti niyang plinaplantsa sa isipan niya at pinagtatagpi-tagpi ang nais iparating ng mga nalalaman niya na. "May tinatago nga ba siya sa apo niya?" Tanong ni Alex sa sarili akmang hahakbang na siya ng biglang pag-angat niya ng mukha abot tanaw niya ang matandang nakadungaw sa bintana at nakatingin sa direksyon niya kaya naman bigla siyang napakunot.  Pagkaakyat na pagkaakyat ni Summer agad naman siyang sinalubong ng lola niya sabay lahad ng palad nito hudyat na kukunin na nito ang perang kinita sa pagbebenta habang madilim ang mukha nitong nakatitig lamang kay Summer na tila binabasa ang nasa isipan nito. "Lola, sa susunod baka pwedeng gawin niyo na hong limang basket noh? Akala ko sa susunod na buwan pa ako makakabenta sa dami noon, alam niyo naman po kung gaano kadami na po ang nagmamanokan at nagbebenta sa bayan ng itlog kaya malamang malabo po ko makabenta ng ganon kadami, mabuti na lamang at binili pong lahat ni ninong. Kundi baka naging itlog na din po ko kakaantay na maubos lahat ng tinda ko sa tabi ng kalsada." May pagrereklamong saad nito sabay abot sa pera. "Abat--tila lumalala na yata yang sakit mong katamaran? Isang linggo ka lang di nakababa sa bayan ganyan na ugali mo? Eh kung papagbentahin pa kaya kita bukas noh?" "Lola! apo niyo po ba talaga ako? Subukan niy po kayang magbenta noh?" Napapailing sagot nito ng biglang binatukan ng matanda. "Lola naman!" "Lola lola, talagang makakatikim ka sa akin kapag narinig ko pa iyan sa iyo. Kung bentahan ang usapan, uhugin ka palang araw-araw ko ng halos ginagawa iyon. Tanong mo pa sa mga matatanda sa bayan na nabubuhay din sa pagtitinda nang malaman mo kung gaano ka kaligalig bantayan." "Psh! Eh bat di mo po gawin ngay---aaaraaay! Lola naman." "Magluto ka na duon. At mamaya dadating sila Asyong." "Ano?" Napataas ang boses ni Summer. "Oo, kaya kumilos ka na para pagdating nila haharap ka sa kanila ng maayos ayos ang pagmumukha." "Lola naman--" "Summer, tandaan mo hindi para sa akin itong ginagawa ko kundi para sa iyo. Pumunta ako kanina sa kanila para kausapin ang pamilya niya. Gusto kong walang samaan ng loob kaya humingi na ako ng pasensya sa ginawa mong pagtrato sa kanila noong--" "Lola! Ano ba naman po kayo? Bakit niyo po ginawa iyon? Sa ginawa niyo po mas lalo lamang po nila tayong hahamakin, at iisiping hindi talaga natin kayang kumawala sa--" "Bakit, kaya mo ba? Kaya mo na bang makakain ng tatlong beses sa loob ng isang araw ng walang lupaing masasakahan? Kaya mo na bang ipikit ang mga mata mo, at magpahinga ng walang matutulugan o masisilungang bahay? Kaya mo na ba? Dahil kung kaya mo na ako mismo--ako mismo ang unang magsasabing hindi na ituloy ang kasal." Madiin at may paninindigang pagbitaw ng mga salita ng matanda sa harapan nitong si Summer dahilan para bumalik muli ang sama ng loob na nararamdaman niya para sa lola niya. Walang imik na tumalikod papuntang kwarto itong si Summer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD