Kabanata 5

1140 Words
Hindi maialis ni Alex ang kaniyang mga mata sa babaeng kasalukuyang tumutungga ng pinakahuling bote sa stage dahilan para tuluyan niyang maalala muli ang nakaraan nila ni Serene. Flashback: " Cheers ! Para sa mahal kong nakapasa sa board exam." Aniya ni Serene na hawak hawak ang isang bote ng redhorse sabay tungga nito. " Mahal, tama na yan. Lasing ka na oh." Saway nitong si Alex, mabilis namang ibinaba ang boteng tinutungga ni Serene sabay lapit ng mukha nito sa kaniya at titig. " Mahal, ako lang huh? Wag mo ko pagpapalit." Nakanguso nitong saad habang nakatitig sa kaniya na ikinangisi naman niya. " Ikaw lang wala ng iba." Nakangiti niyang sambit saka hinalikan sa noo. " Kaya tama na yan at iuuwi na kita kela tita. " Saka niya inalalayan si Serene sa pagtayo. " Eh, I don't want to go home pa. I want to drink more mahal." " No no no ! Nakatatlong bote ka na and that's enough for you. Tingnan mo nga pulang pula na mukha mo." Napapailing nitong sambit saka pinisil ang pisngi ni Serene.  " Let's go. "  End of Flashback: " Pre, sa tingin mo okay lang ba siya? Namumula na oh." Aniya ni Forrest na nakatingin din kay Summer. " Go ! Sumsum ! Kaya mo yan. Kayang kaya." Sigaw naman nitong si Maureen na nasa tabi lang nila. " Pre, gigiitan ko na ba ng leeg tung katabi nating maingay o puputulan ng dila?" Tanong nito kay Alex ngunit hindi ito umiimik at nananatili pa ring nakatingin kay Summer. " Go go go ! Kunin mo na yung pera Summer." Sigaw pa nitong si Maureen ulit na hindi na ikinatiis pa ni Forrest. " Uy, Miss nakalunok ka ba ng speaker o mic? Apaka ingay mo." Sambit nito sabay harap kay Mau. " Pwede ba wag kang oa? Kung ayaw mo sa maingay umalis ka. Dayo ka lang dito kung di ako nagkakamali." Sabay irap ni Maureen. " Excuse me? Ako? Dayo? Miss, sa lugar na tu dito na ako tinubuan ng buhok, tinubuan ng unang ngipin, at nagkamalay." Sambit nitong si Forrest na nakapamewang na. " Ah talaga lang huh? Pruweba?"  " Hahaha ! Anak ka ba nang nag secensus pati pruweba hinahanapan mo ko? Hayaan mo sa susunod na pagkikita natin papakita ko birth certificate ko sayo. Sisiguraduhin kong magkakanda duling ka kakabasa sa address dito hahah." Nakapamulsa at nakatawang saad ni Forrest. Magsasalita pa sana si Maureen ng biglang may kumalabit sa kaniya sa likod. Si Summer. " Mawi---"  " Summer !" Aniya ni Maureen ng makaharap ang kaibigan na parang nawawala na sa balanse sa kinatatayuan. " Nako patay, nalasing ka pa yata." Bulong ni Maureen na napakagat sa labi. " Hehehe ! Eto--eto yung pwera. Ha-hahayupak na lalakwing nagwala ng manok ni loh-lak. D--di shana ko lulunok ng mga itlog na yun at alak. Pag--pahag nakita ko tahalaga yun-- shigurading pipitashin ko itlog niya shaka--tatadtarin ko pinong pino shaka ko papakain sa mga manok." Napapapikit at lunok nitong saad ni Summer habang inaaalalayan ni Maureen. Napatingin naman si Forrest kay Alex na napapalunok habang pasimple pa ding nakasulyap kay Summer. " Oo Sum-sum, tutulungan kitang mamitas ng itlog. Wag kang mag-alala paparusahan natin yung lalaking yun. Pero sumsum, bakit ka naman nalasing. Ako malalagot nito Kay Lola mo ey." " Pre, sibat na tayo baka mawalan kapa ng future. Sayang lahi." Saka dahan dahang hinila si Alex papalayo sa kanila. Ilang oras ding binaybay nila Alex at Forrest ang daan patungo sa lugar na tutuluyan nitong si Alex na halatang pagod na pagod na sa kakalakad at tagatak na din ang pawis nito. " Oy, malayo pa ba tayo? Pakiramdam ko mauubusan na ako ng hininga nito. Tsaka tingnan mo palubog na din ang araw, wag mong sabihing dito tayo papatiabot sa gubat na tu." " Chill, malapit lapit na tayo. Isipin mo nalang nagjojogging tayo pero walking style." Sagot ni Forrest na ikinailing ni Alex. Paminsan minsan talaga may mga salitang binibitawan tung si Forrest na akala nakakatawa pero nakakabobo. " Gaano pa ba kalayo?" " Malapit na tayo--aray ko naman." Reklamo nito ng batukan ni Alex. " Kanina ka pa sa malapit ey."Saad ni Alex na nakakunot noo na.  " Eh sa malapit na ey. Palibhasa kasi lagi kang nakacar kaya ang malapit ey malayo na sayo." Napapailing nitong sambit. " Siya nga pala, balita ko may apong babae daw itong si Inang pero hindi ko pa nakikita." " Di ako interesado." " Kahit maganda?" Sabay hinto sa paglalakad at lumingon kay Alex na siya namang tumango bilang sagot niya. " Kahit sexy?" tanong niya ulit, tumango ulit si Alex. " Kahit kasing ganda, sexy, bait, at inosente ni Serene?" " Pwede ba tigilan mo ang pangkukumpara sa asawa ko, dahil para sakin walang mas makakahigit pa dun." Kunot noong napapailing nitong sagot sa kaibigan saka humakbang. " Talaga lang huh? Kahit na yung babaeng kamukhang kamukha niya kanina?" Tanong ni Forrest na ikinahinto sa paghakbang nitong si Alex. " Kapag hindi ka pa tumigil kakadaldal diyan sisiguraduhin kong dito kana sa gubat nato maaagnas." Aniya ni Alex saka liningon ang kaibigan at pinukol ng masamang tingin at humakbang na. " Ay yan ang masamang biro bespren. Mabuti pa bilisan na natin maglakad." Napapalunok nitong sambit saka humakbang ng malalaki. Samantala, hirap na hirap naman si Maureen sa pag alalay sa kaibigang si Summer sa paglalakad. Dahil bukod sa hindi makabaybay ng tuwid sa daan ey, napakadaldal pa. " Sumsum, umayos ka ng lakad. Patay talaga ako nito kay lola Adora." Nababahalang sabi nito sa kaibigang si Summer. " Shhh !Ako--ako bahala shayo Mawi." " Ikaw nga bahala, ako naman kawawa. Baka isumbong ako kay daddy magragrounded ako nito ng wala sa oras ey." " Shhh ! Wa hag ka maingay. Nakikipag usap sakin mga kulisap." " Ehh--Tumigil ka nga diyan. Iiwanan talaga kita dito sa kalagitnaan ng gubat na tu." Napapalunok na sambit nitong si Mau na nakakaramdam na din ng takot dahil sa unti unting pagdilim na. " Oy Mawi, kailan mo papakilala yung--yung boyfriend mong--Maleninyo?" " Manilenyo Summer hindi Maleninyo, mali yun okay." Naiiritang pagtatama nito sa sinabi ni Summer. " Ay siya bahashta, iisa lang yun pinasohosyal lang. Kailan nga?"  " Sa piyesta, pupunta daw siya dito. Pero magpromis ka wala kang gagawin sa kaniyang pananakot huh?" " Hahaha ! Bakit Mwi, mukha ba akong multo?" " Ehh, tumigil ka na nga sa multo multong yan. Dumidilim na." Saka humakbang ng mabilis dahilan para mahila na itong si Summer na susuray suray.  " Mawi, masharap pa la yung--yung alak nu? Sa sushunod sasali ako ulit pero hindi sa palunukan ng itlog kundi sa redhorse na huh?" " Heeh magtigil ka. Baka mapatay na ako ni Lola Adora ng dahil sayo." Bulyaw nito kay Summer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD