Kabanata 23

1654 Words
              HINDI naman mapagsidalan ng tuwa ang mga puso ng mga bata sa kakatawa sa bawat magic na nagagawa nitong si Alex at syempre damay dun si Summer.  "Sampung kabataan na naman ang napaikot ng Malinenyong lalaking tu." Sabay irap nitong bulong sa sarili. Napaigtad naman siya nang bigla siyang hapitin na naman ang bewang niya nitong si Alex. "Aneng ginegewe me ne nemen?"  "Wag kang malikot nakatingin siya sa atin." Seryosong bulong nito kay Summer. "Siya nga pala, kilala niyo naman ang pangalan ng babaeng katabi ko di ba--at gusto ko bilang pag-galang sa mas nakakatanda sa inyo eh tawagin niyo siyang ate. Okay ba?" Mahinahong saad nitong si Alex sa mga bata sabay ngiti nang biglang-- "Kaano ano mo po ba siya?" Tanong nitong batang babaen kulot ang buhok na may malalim na dimples. Akmang magsasalita na sana si Summer para sagutin ang bata ng binasag bigla nitong si butchoy. "Chuchay, nakita mo naman nakahawak sa bewang si Sir baka asawa niya na--kaso naguguluhan ako kahapon sabi ni Master Asyong na si ate Summer daw pakakasalan niya." "Ang bobo mo naman butchoy. Siyempre baka di type ni ate Summer si Master Asyong kaya siya yung naging asawa." "Oy--kayong dalawa ang babata niyo pa mga chismosa na. Si Ka-Marites ba nagturo sa inyo niyan. Hala hala tama na yan." Pagsasaway nitong si Summer na mabilis pa sa kidlat na umalis mula sa tabi nitong si Alex at nilapitan ang mga bata para paupuin. "Pero sino po gusto niyo sa dalawa?" Habol na tanong ni chucahy. "Oo nga ate Summer." Hirit ng mga bata dahilan para mapalingon ito kay Alex na para bang sumesenyas na ayusin niya na ang mga ulo ng mga batan ito bago pa niya tuluyang patulan.  "Ahem--" Biglang napabaling ang lahat ng atensyon kay Asyong ng mga bata at dahil diyan alam nitong si Summer na eeksena na ang lalaking yun. Ehhh! Magsasalita pa lang sana siya ng maunahan siya nitong si Alex sabay hakbang palapit sa kaniya at hinarap ang mga bata. "Tama na yung tanong niyo mga bata at magsisimula na tayo. Basta si Ate Summer niyo wag niyong hayaang paligawan kahit kanina huh--kasi siya ang girlfriend ko." Aniya nitong si Alex sabay ngiti kay Summer na napapa-ngiwi naman at halos maibagsak ang balikat, katapusan na nga. Mukhang pati sa harapan ng mga bata ngayon ay magpapanggap na rin sila.  Ilang segundong paliwanagan pa ay sa wakas nakapag simula na din si Alex sa kaniyang unang araw ng pagtuturo. Habang si Summer naman ay pumwesto sa likod lang ng puno kung saan dun din nagtuturo si Alex. Habang nakikinig siya sa boses nitong si Alex ay para naman siyang hinaharana ng tono nito para lang maipikit ang mga mata niya. Ngunit bago pa man niya maipikit ang mga mata niya ay lumitaw naman ang bulto nitong si Asyong, dahilan para mapabalikwas siya ng tayo. "Asyong--di mo ba talaga ako tatantanan." Aniya nitong si Summer. "Hindi, sa akin ka pa din mapupunta." Tiim bagang saad nito s amahinang boses habang titig na titig kay Summer. "Susmaryosep naman Asyong, di ka ba napapagod. Mahigit sa trente beses ko na sayong sinasabi na ayaw ko nga sayo. Kung ano man yung sinasabi mong pinagkasunduan nila lola at ng inang mo kalimutan mo na lang yun. Kasi ako simula nuong araw pa lang yun ay kinalimutan ko na." "Mahal, pano ko naman gagawing kalimutan ka kung  sa bawat araw na nagigising ako mukha mo agad ang nakikita ko." "Pwede ba Asyong, muta mo lang yun. Tabi diyan sa harapan ko baka magdilim paningin ko." Pagbabanta na sa tono ng boses nitong si Summer. "Pwede ba wag ka ngang pakipot, pasalamat ka nga dahil sa lahat ng nagagandahang mga babae sa nayon natin at sa bayan eh ikaw tung napili ng mga matang ko para mahalin." "Mahabaging nuno sa punso, oy Asyong wa-la akong paki. Naintindihan mo? Wala akong pakialam dahil kung ako ang tatanungin mas pippiliin ko pang madre na lang kaysa makasama ka." Inis na sambit ni Summer. "Hindi mangyayari yun dahil maikakasal ka sa akin." Matigas na sambit nitong si Asyong. Akmang magsasalita pa sana itong si Summer nang biglang litaw naman nitong si Alex. "Babe, ginugulo ka na naman ba nito?" "Ah--hindi naman."  "Pwede ba, hindi nakakapag focus ang mga bata sa pinag-aaralan nila dahil nadidistract sila sa inyo." Pagtutukoy ni Alex kay Asyong at sa mga kasama nito. "Hoy dayo, baka nakakalimutan mo kung kaninong teritoryo tung kinatatayuan mo?" "Hindi ako natatakot sayo. Maraming kasing lala mo pa akong nabigwasan at nabura ang pagmumukha. Kaya kung ako ang paandaran mo niyan? Sinasabi ko sayo di ka mananalo sa akin dahil hindi ako magpapatalo. Come'n babe." Sabay hapit sa bewang nito at hakbang pabalik sa harapan ng mga bata. Napapaangat naman ang kilay nitong si Summer habang pasimpleng sinusulyapan ng tingin ang lalaking yun. "Hmm--di na masama, pwede din palang pambato sa gyera." Bulong nito. "What?" "Wala! Alisin mo na yang kamay mo nasa harapan tayo ng mga bata." Diing sambit ni Summer sabay waksi nito sa kamay at humakbang papunta sa likuran ng mga bata. "Infairness, tapang niya kanina." Napapangiting simpleng bulong nitong si Summer sa sarili. Habang inaaliw niya ang sarili para di mapatingin kay Alex ay di niya naman maiwasang mapahanga dito haban nagtuturo. Pakiramdam niya pati siya nag aaral na din. "Bakit kaya naisipan ng lalaking tu na dito magturo kesa sa Manila? Halata namang magaling siya at di ko yun pagkakaila dahil ang mga bata aliw na aliw sa pakikinig sa kaniya." Dagdag nitong si Summer sa sarili. ":Ay nako Summer, ano bang pinagsasasabi mo diyan? Eh di ba galit ka sa lalaking yan dahil sa manok? Eh bakit para namang humahanga ka naman---eh hindi naman, napaka ipokrita ko namang nilalang kun sasabihin kong di siya magaling eh sa nakikita ko namang---ayss ano ba--hindi ka pwedeng lumambot sa lalaking yun gat di naibabalik ang manok na nawala nito. Pero di ba pwedeng kwits? Dahil tinulungan naman niya ako--pe-pero kung kwits eh bakit, ka sumusunod sa mga inutos niya kanina at pumayag sa kasunduan? Aba abay oo nga nuh. Talagang naisahan ka Summer  ng dayong yun." Bulong nitong si Summer sa sarili habang pinagmamasdan si Alex na mas tumatalim ang mga titig nito.  "Bosing, paano na yan, mukhang nasapawan ka na ng dayong pogi ah." "Tarantado ka ba? Sinong pogi? Tingnan mo nga itsura nun sa natural kong mukha. Yun made in china, tung mukha kong tu gawang Pinas. Lamang lang yun ng suklay sa akin." Galit na wika ni Asyong sabay batok sa alipores nito. "Ilang suklay kaya gamit niya bosing?" "Isa ka pang bobo." Singhal nito sa isa pang alipores. "Kayo, alamin niyo yung tungkol sa lalaking yun. Kung kailangan sundan, sundan niyo. Alamin niyo lahat ng meron sa kaniya, shampoo, sabong panglaba at sabong panligo pati pangalan ng pabango. Baka sa amoy niya nahumaling tung asawa ko." "Eh bosing, subukan mo kayang ikaw na lang sumunod nuh?" "Teka oo nga nuh. Oo tama yan. Heheh, matatalino din pala kayo nu." Napapatangong sambit nito sabay tingin kay Summer. "Humanda ka Summer, sa akin ka mapupunta, ako ang pakakassalan mo at hindi ang dayong yun na sa amoy lang nakakalamang." "Boss sa tingin po pati din sa tangkad, porma, ayos, talino, propisyon at higit sa lahat mukha---aray bosing!" "Isas pang hirit at ipapahila kita sa mga kabayo ko." Bantang sambit nitong si Asyong. "Tara na." "Saan po?" "Ipagluluto ko siya ng makakain, sigurado akong gugutumin lamang siya nung lalaking yun. "Nino po bosing?" "Abat, mauna na na ako sa inyo. Masisiraan pa ako n bait sa inyo." Bwisit na sigaw nitong si Asyong na humakbang papalayo. Nakahinga naman si Summer nang muling mawala sa paningin niya ang Asyong na yun. "Hays a wakas, mabuti naman at nakaramdam din ng pagkahiya sa kakapalan ng libag nito." Aniya nitong si Summer na napapailing.              SAMANTALA, nadatnan naman ni Lola Adora si Mau na hirap na hirap sa paghakbang galing sa kusina. "Oh--bakit naglalakad ka na? Di ba sabi ko sayo ipahinga mo paa mo mas lalong mamamaga yan pag nabugbog sa paglalakad mo." "Ayos lang po ko Lola Adora, siya nga po pala, mamaya pa po bang hapon ang balik nila Summer?" Usisang tanong nito. "Siguro, siya nga pala asan si Forrest?" Tanong ni lola Adora na ikinanguso naman nitong si Mau ang bintana kung saan matatanaw si Forrest na kasalukuyan pa ding lakad dito lakad duon at naghahanap ng signal. "Anong ginagawa niya?" Tanong ng matanda. "Nalipasan po yata yan lola ng gutom sa Maynila kaya ayan ang naging resulta." "Oyst ikaw talagang bata ka, nahahawaan ka na din ni Summer sa pagtataray at pagsusuplada sa mga bisita. O'siya kakain na tayo, tatawagin ko lang." "Hayaan mo na po lola Adora, mukhang nabusog naman na po yata yun sa kakalanghap ng hangin." "Bakit ba galit ka din dun?" Biglang hirit na tanong ni Lola Adora sa kaniya habang pinagmamasdan siya na tila hinuhuli an kiliti nito. "Eh--lola, t-tinatanong pa po ba yun? Nakakabwisit po siya simula pa lang. Nakita niyo nga po ginawa sa akin, muntik pang mabura ang maganda kong mukha dahil sa ginawa niya." Halos umusok ang tenga nitong si Mau habang binabalikan ang mga pangyayari nung mga oras na nahulog siya sa hagdanan at ang sakit na naramdaman niya habang hinihilot ang paa niya. "Hay nako kayong mga bata kayo, tinuruan naman kayo kung paano maging mabait sa mga dayo pero bakit yang kasupladahan niya pinaiiral niyo." "Lola Adora. hindi po yan dayo--laking bundok din po kaya yan mukha lang dayo dahil kasama niya si Alex." "O'sya tama na yan, baka yung galit mo pa ang magpalobo diyan sa paa mo. Maupo ka na dun at maawa ka sa paa mo, kung gusto mong makauwi agad sa inyo matuto kang makinig sa akin. Wag palakad lakad." Saway nito na ikinatango naman nitong si Lola Adora na napatalikod naman sa kaniya saka humakbang papalabas na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD