Kabanata 16

2229 Words
                  "Aahhh--lolaa ang sakittt!" Napapasigaw, kapit at pikit itong si Mau sa tindi ng sakit na naramdaman ng biglang diinan ng matanda ang parte sa paa niya kung saan napuruhan.   "Arayy ko pooo!" Malakas na sigaw nitong si Forrest na halos rinig sa kabilang bundok ang sigaw  habang mahigpit na napapakapit sa kaniya itong si Mau na kasalukuyang hinihilot pa din ang paa nitong si Lola Adora. "Lola, tama na po. Masakit na po." Napapahikbing saad nitong si Mau na halos mamilipit na sa sakit sa bawat diin, pisil at hilot ng matanda sa kanang paa nito. "Lola, totoo pong masakit nga. Matagal pa po ba yan?" Tanong ni Forrest na nuon ay pulang pula na ang tenga dahil sa tindi nang pagkakakapit sa tenga niya nitong babaeng ayaw siyang bitawan pagkalapag niya sa upuan. "Tumigil kayong dalawa. Mamamaga pa tu bukas at siguradong di ka makakalakad. At kung hidni ko tu hihilutin ngayon baka mas malala pang sakit ang maramdaman mo Mau." Pagpapaliwanag ng matanda. "Dalawang balik na lang at tapos na tayo." Dagdag ni Lola Adora. "Lola, dahan dahan lang po." Naiiyak na saad nitong si Mau na tinatakpan ng isang kamay ng unan ang mukha habang ang isang kamay ay nasa tenga pa din nitong si Forrest na nasa tabi lang nito. "Oy, baka naman may awa ka pa sa tenga ko?" Basag nitog si Forrest na pinagpapawisan na ng malamig, pakiramdam niya kasi isang hatak na lang at talagang mawawalan na siya ng tenga. Parang dumadagundong na ang sakit nito abot sa eardrums niya. "Letche, tumigil ka kung ayaw mong nguso mo hatakin ko. Kasalanan mo tu kaya wag kang magtatangkang umalis diyan." Matinding diing sambit nitong si Mau dahilan para mapalunok na lamang sa tabi itong si Forrest sabay tingin ng nakakaawa kay Alex na nuon ay nakikinig at nanunuod lang ng tahimik sa kanila. "Lola eto na po yung mga dahong pinapakuha niyo po sa akin." Bungad nitong si Summer saka sinadyang bungguin ng braso niya itong si Alex, dahilan para mapakunot noo ito sa kaniya. "Bakit?" Maangas na sambit nitong si Summer kay Alex, napakuyom naman bahagya itong si Alex. Kung di lang sana babae at kamukhang kamukha pa ng asawa niya ey sana pinatulan niya na ang babaeng tu. Lakas makabwisit! "Oy Summer, ibigay mo na yan sa akin at magsindi ka na ng mga lampara dun. Mag didilim na. " Utos ng matanda. "Siya nga pala Alex, sumunod ka na din kay Summer para makuha mo yung isang lampara at madala dito sa sala." Aniya ng matanda dahilan para magkatinginan muna si Summer at Alex. "Ako na po lola magdadala." Mabilis na sagot nitongg si Summer na inunahan pa ang matanda. "Hindi na, pag nkapagsindi ka na ng mga lampara mag luto ka na din ng makakain natin."  "Pe-" "Summer, makikinig ka sa akin o katabi ng mga manok ka matutulog?" Tanong ng matanda na matalim na nakatingin sa mga mata nitong si Summer. Napabuga naman sa hangin si Summer saka muling binalingan ng sama ng tingin itong si Alex at padabog na ibinaba ang mga dahon. "Yung tatlong lampara lang muna ang sindihan mo." Dagdag ng matanda na hindi na pinagkaabalahang sagutin pa nitong si Summer, pa martsang naglakad ng dire-diretso papuntang kusina. Inis na inis siya sa lalaking yun. Wala namang magawa itong si Alex kundi ang sumunod ng senyasan na siya ng matanda. Sa totoo lang kung anong ikinapareho ng mukha at ekspresyon ng asawa niya at ng babaeng kasalukuyan niyang makakasama sa ilalim ng bubungang yun ay siya namang kinabaliktad nila sa pag uugali.   "Ikaw pa din talaga ang nag-iisa sa mundong tu, mahal ko." Bulong nitong si Alex sa isipan habang sinusundan ang bulto nitong si Summer.  Nang makarating na si Alex sa kusina padabog namang inilapag nitong si Summer isa isa ang mga lampara. "Galit ka ba?" Tanong nitong si Alex nang di niya na mapigilan ang sarili. "Ay hindi, sinusubukan ko lang kung matunog yung lampara." "Talaga? Bakit daw pag matunog?" "Pag tumunog yung lampara sabi may masamang espiritu daw na nakapasok sa loob ng bahay." May pagtango pa nitong sambit ni Summer na tila kinukumbinsi si Alex na alam na alam namang ginuguya siya ng babaeng kaharap niya ngayon. Kaya naman sinabayan ng pagtango nitong si Alex si Summer.  "Talaga? S-sa tingin mo mga anong oras--lumilitaw yung espiritu?" Tanong ni Alex na napapataas pa ang kilay habang pinanunuod si Summer na sinisindihan ang lampara.  "Oo--dito sa probinsya yun palatandaan namin. Tsaka mga ganitong oras daw yung masamang espiritu nagpaparamdam eh." Mabilis na sagot nitong si Summer matapos masindihan ang tatlong lampara, mabilis namang tumayo si Alex sabay kuha sa lampara at tumingin kay Summer. "Oh anong tinitingin tingin mo diyan?" Napapakunot noo at lunok na tanong nitong si Summer. "Yung-yung balahibo ko nag sisitayuan." Aniya ni Alex na may paglunok pang nalalaman. Bigla namang nakaramdam ng kilabot itong si Summer nang biglang humangin pa. "Hoy, w-wag kang magbibiro ng ganyan. Bi-binabalaan kita. " Malakas ang boses na saad ni Summer na anytime handang manapak ng itaas ang manggas.  "W-wag--wag kang gagalaw--wag kang gagalaw huh." "Anong--anong pinagsasasabi mong wag kang gagalaw?" Tanong ni Summer na makikita mula sa aninag ng lampara ang mga matang may takot. " W-wag kang gagalaw nakikita ko--nakikita ko na."  "Anong---" "Wag kang gagalaw--yung--yung mukha mo, i-iangat mo at--at titigan mo lang ako." Aniya nitogg si Alex habang nanlalaki ang mga mata na tila may nakikita sa likuran nitong si Summer. "Hoy--wa-wag ka ngang magbibiro ng ganyan sabi eh." Nanlalaking mga matang galit na saad nitong si Summer na sa loob looban ay gustong gusto ng tumakbo papalayo. "Hindi ako nagbibiro, n-nasa likod m--" "Aaaahhh multooo--!" Mabilis na napakaripas ng takbo itong si Summer nang hindi man lamang pinatatapos itong si Alex sa sinasabi. Napapailing naman si Alex habang napapangiti, sa wakas nakaganti na din siya sa babaeng yun sa kasupladahan nito sa kaniya.  "Akala mo matatakot mo ko, laking Manila tu. Mas nakakatakot kaya ang buhay na tao kesa sa mga multo." Sambit ni Alex sabay kuha na din sa isang lampara para ilagay sa balkonahe at ang isa naman ay para sa sala. "Sa sariling panakot din pala siya titiklop." Di pa din mapigilang mapangiti nitong si Alex hanggang sa napahinto siya sa paglalakad. "Teka nga, bakit ba ako nakangiti?" Aniya nito saka ibinalik ang seryosong mukha nito at napahakbang na. Hindi naman siya makapaniwala sa nadatnan, kasalukuyan lang namang nakakatanggap ng award itong si Summer ng award mula sa lola niya. Napatingin naman si Alex kay Forrest na nuon ay nananatili pa ding nakaupo sa tabi nitong si Mau na nuon ay hindi maiguhit guhit ang pag mumukha. "Papatayin mo ba talaga ako sa gulat huh? Alam mo ba kung anong oras na huh? Alas sais na alas sais na pero dinaeg mo pa ang kampana."  "Jusmeyo naman Summer, nagkabuhok ka na lahat lahat dito tas ngayon ka pa matatakot? Ilang taon ka na ba? Ilang taon na ba akong nakatira dito para sabihin mo yan sa akin? Kailan pa nag karoon ng multo dito? Alam mo nagtataka na ako kung anong klaseng alak yung nagpalasing sayo, naging ganyan na ugali mo simula nung nakatikim ka na ng alak. Baka naman di lang alak ang nainom mo huh Summer?" "Lola naman--" "Mamamatay na ako pero walang multong lumilitaw sa harapan ko kahit pa nalabas ako ng madaling araw, o hatinggabi. Kaya ikaw, kung gagawa ka ng palusot yung mailulusot mo huh. Tinatamad ka na naman magluto." Bulyaw ng matanda na napapahawak sa bewang na. "Eh lola--" "Wala nang lola lola, ikaw pag di mo tinigil yang pag uugali mo ngayong may mga bisita tayo, sinasabi ko sayo may mapaglalagyan ka talaga. Dun kita sa kulungan ng mga manok patutulugin na huh Summer. Di ka na nahiya sa bisita natin." "Pero lola--" "Oh, nandito ka na pala Summer. Akala ko lumabas ka, di kasi kita kanina nakita matapos kong sindihan yung mga lampara. Ahm Lola Adora, nandito na po yung lampara." "Anong matapos sindihan ang lampara, gusto mo bang ikabit ko sa talampakan mo yang ulo mo? Ako ang nagsindi ng lampara at ikaw tung nanakot sa akin kaya napasigaw ako at napatakbo." "Huh? Si-sigurado ka bang a-ako yung nakaharap mo?" Napapaangat ngg kilay itong si  "Summer!--" Singhal ng matanda dahilan para mapatahimik na lamang sa isang sulok si Summer habang nag ngingitngit ng galit sa lalaking nasa tabi niya lang. "Oh hijo ikaw pala pasensya ka na dito sa apo ko talagang napakabato ng ulo nito." Saad ng lola saka binigyan ng masamang tingin si Summer. "Lola--" "Magtigil ka, pumunta ka na sa kusina, at magluto." "Pero lola--" "Wag mong sabihing natatakot ka?" Mapang-asar na sabat nitong si Alex na nakatitig kay Summer. "Anong--anong natatakot? Ikaw ang nanakot sa akin. At wala akong kinatatakutan." Aniya ni Summer na buong lakas ng loob na sambit sa harapan nitong si Ale. "Talaga?" May paghahamon sa tono ng pagtatanong nitong si Alex. Napapabuga naman ng hangin sa ilong itong si Summer sa sobrang galit at pagpipigil na sapukin ang pagmumukha nitong si Alex. At kahit bahagyang nanginginig pa ang kaniyang mga tuhod at napatindig siya ng tuwid at tiningnan mata sa mata itong si Alex. "Oo--hindi ako takot." Mabilis na sagot nitongg si Summer.  "Okay! Sabi mo eh." Napapangiting saad ni Alex saka iginiya nito ang isang kamay papunta sa direksyon ng kusina. Mabigat naman ang mga paa nitong si Summer na humakbang papalayo sa kanila habang mabilis ang pintig ng puso at napapatingin sa paligid. Napabuga naman sa hangin itong si Alex na napapailing saka hinarap ang matanda. Ayaw niyang magsinungaling kaya gusto niyang sabihin ang totoo sa matanda ngunit ibubuka pa lang niya ang bibig nang mapailing sabay ngiti sa kaniya ang matanda. "Kayo talagang mga bata kayo, o siya--sa susunod na tinakot mo pa yun baka di na kita mabakuran. Si Summer yun at kung gaano ka init ang pangalan nang batang yun ganun din naman kainit ang ugali kaya mag-iingat ka sa susunod. Nagsisisi tuloy akong yun ang pinangalan ko sa batang yan. Kaya ikaw, mag iingat ka diyan lalo nat mainit init ang dugo ng batang yun sa iyo na hindi ko mawari at matumpok tumpok kung bakit nga ba. Hay nako!" "M-Maraming salamat po Lola Adora." Aniya ni Alex na sa likod ng pasasalamat niya ay nagagawa pa din niyang mag taka kung papaano nalaman ng matanda. "Alam kong nagtataka ka kung paano ko nalaman, lumaki ang batang yan sa akin, kaya alam na alam ko at kilalang kilala ko yan pag nagsisinungaling, kahit pag bukas pa lang ng bibig nun alam ko na kung nagsasabi ng tama o hindi." "Pa-pasensya na po Lola Adora, kasi naman po--siya naman po talaga ang naunang mang-asar at talagang tinangka niya pa pong takutin ako."  Bigla namang napangiti ang matanda. "Bakit po lola?" Tanong nitong si Alex kay Lola Adora. "Kahit ganyan ang batang yan, alam kong makikilala mo din ang totoong Summer sa oras na makasama mo na siya araw-araw. Siya, pupunta muna ako sa kwarto, ikaw na bahala sa dalawang ya at baka yang kaibigan mo naman ang di makalakad. Siya nga pala--yung kaibigan mo kanina pa gustong gustong umuwi gabing gabi na. Baka kung saang gubat pa mapadpad yan pag pinayagan ko pa." Napapatapik ang kamay ng matanda sa braso niya. "Maraming salamat po sa buong pusong pagtanggap po sa amin dito." Nakatungong saad nitong si Alex hanggang sa makaalis na ang matanda. Dinala naman muna nitong si Alex ang lampara sa may balkonahe at isinabit saka nilapitan ang dalawa na nuon ay tahimik na nakaupo. "Kumusta na ang paa mo?" Basag na tanong nitong si Alex kay Mau. "Kasalanan tu ng kaibigan mo. Sana nakakalakad ako ngayon at walang sakit na iniinda ngayon." Mabilis na sagot nitong si Mau. "Magkaibigan nga talaga kayo." Bulong nitong si Alex na napaiwas ng tingin kay Mau at pasimpleng tiningnan si Forrest. "Oh bakit ako?" Tanong ni Forrest nang tingnan siya ni Alex.  "Ano ka ba kausapin mo, di ka ba nakokonsensya sa ginawa mo?" Pabulong na tanong nitong si Alex. "Pre, ako pa ba may kasalanan? Eh sa lagay na tu halos patas na kami, tingnan mo nga tenga ko? Muntikan pa yatang makauwi sa bayan na iisang tenga na lang." Reklamong saad nitong si Alex. "Ay nako, sige na kausapin mo. Makakatulog ka ba mamaya kung may galit sayo yan?" Tanong ulit ni Alex. "Aba'y oo naman, ano siya hello? Mga chicks ko nga kahit magbibigti na hinahayaan ko. Kasalanan ko bang maging pogi ako? Eh yun pa kayang kasalanan niya naman talaga." "Forrest, makikinig ka o sa labas ka matutulog?" "Pare naman--" "Anong pare? Walang pare pare, kausapin mo. Mag sorry ka kung kinakailangan." "Ano ayoko nga mamaya niyan--" "Sige ikaw din sa labas ka papapakin ng lamok, mamaya niyan may baboy ramo pa." Pananakot nitong si Alex na wala namang nagawa itong si Forrest kundi ang sumunod sa kaibigan. Napasinghap sa hangin at lunok muna itong si Forrest bago niya ibuka ang bibig para kausapin si Mau. Ngunit, ang nasa utak na sasabihin niya sana ay taliwas sa lumabas sa bibig niya. "M-Masakit ba?" Tanong nito dahilan para mapaimpit sa labi itong si Alex. "Gago ka ba? Ikaw kaya ang pilayan ko at hilutin ngayon  tingnan natin kung di tumirik yang mga mata mo sa sakit. Tarantad*!" Singhal sa kaniya nitong si Mau.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD