ILANG minuto lang ang nakalipas at sa wakas naayos din ang kotse nitong si Lincoln at kasalukuyan na silang nakarating sa condo building. "Lupit mo magdrive, pang-kamatayan nu?" Aniya nitong si Forrest na nasuka pagkalabas ng kotse sa gilid ng pinaradahan nilang kotse. "Hina naman ng sikmura mo. Parang di ka na sanay pag nakikisakay ka sa akin nuon." "Oo nga, sanay na sanay akong sumuka sa sobrang hilo." Napapailing sabay punas ng panyo nito sa labi niya. Pakiramdam ni Forrest isang galon ang nawalang lakas sa kaniya ngayon dahil sa panghihina. "Mukhang mas malaking building itong nilipatan niyo ah!" Sambit nitong si Lincoln na napamewang pang pinagmamasdan ang kabuuan ng building habang suot-suot ang sun glass nito. "Parang di mo kilala pinsan mo ah!" Tugon naman nitong si Forrest n

