Chapter 2

1244 Words
CHLOE'S POV Bandang 6:30am ng tumunog ang aking alarm clock. "Anubayan Chloe! Manong ngang patayin mo na yang alarm clock mo! Grabe, nakakabulabog ka! Natutulog pa yung tao eh!" pasigaw na sabi ni Celine. Magkasama kasi kaming natutulog sa iisang kwarto, pero may tig isa kaming kama. Malaki naman yung space ng kwarto namin kaya keri na kaming dalawa dito. "I’m Sorry girl! Sige na, matulog ka nalang ulet," malambing kong sabi sa kanya. Nagtataka ba kayo kung bakit maaga akong gumigising araw araw? Matagal kasi akong gumayak dahil nga sa madaming ka-ek-ekan ako sa buhay, dahil nga buhay tomboy na si miss Chloe. Pagkaligo ko ay tuloy gayak narin ako. Agad agad ko namang nilagay yung parang benda sa mga breast ko para itoy maging flat. Tuloy suot narin ako ng sando at saka polo na panlalaki. Medyo pinakintab ko narin yung aking black shoes na may patulis sa dulo, yung bang usong sapatos ngayon na pang lalaki. Sinuot ko narin ang aking black na pantalon at saka ko sinuot ang aking black shoes. And last…syempre medyo nag aapply ako ng gel para talagang boy na boy ang awra ko. Medyo pacute-cute pa nga ako sa harap ng salamin, yung tipong ngiti na pang lalaki. "Ay nako, ayan na naman po ang dakilang tomboy na utusan sa school. Grabe ka Chloe este Mr. Joey pala. Bakit ba pinag aaksayahan mo ng panahon yang Brantly nayun eh, babaero naman. Hmp! hindi kaya ginayuma ka niya? Tsk! Tsk!" nakakagulat naman itong si Celine gising na pala. Anyway, 7 o clock na pala, ‘yan kasi ang oras nang gising ni Celine. Hindi sya masyadong matagal gumayak dahil kahit hindi sya mag ayo ay maganda parin siya. "Celine, tigilan mo ako, umagang umaga nagsersermon kana naman!" pasigaw kong sabi kanya. "Joke lang naman Girl! Ikaw naman, hindi ka na nasanay saakin. Syempre, yung mga sermon ko sayo ay pabiro lang naman. Oh, sya makaligo na nga’t baka ma-late pa ako," nakangiting sabi ni Celine saakin. "Mauna na ako Celine. Alam mo namang hindi tayo pwedeng mag sabay papuntang school at baka mamaya eh, mag pagkamalan pa nilang girlfriend kita,” sabi kong nakangisi kay Celine "Bakit chossy ka paba? Hmp! Sorry ka, Chloe madaming lalaking nag kakandarapa saakin kaya wag mo akong inaano ano diyan!” pasigaw na sabi ni Celine. Mukha atang nainis saakin. *SA SCHOOL Naglalakad na ako papasok nang school namin ng biglang may umakbay saakin at hinimas himas yung ulo ko. Nagulo tuloy yung buhok kong kay tagal tagal kong inayos. “Goodmorning, Chloe!" Ay naku, sino paba. Isa lang naman ang tumatawag saakin ng pangalan na Chloe dito sa school. "Ano ba, Lance! Sabi ng ‘wag mong ginugulo ang aking buhok. Kainis naman oh! Kay tagal tagal ko itong inayos eh," galit kong sabi kay lance Pumunta si Lance sa harap ko at sinabing, "Oh, asar ka na nyan Chloe?!" nakangiting sabi ni Lance na para bang hindi na makita yung puting mata nya dahil sa kasingkitan nya. Bigla naman akong namula nung humarap sya saakin. Ewan ko ba, ang cute cute niya kapag ngumingiti siya saakin at para bang minsan may namumuong pag ka crush ako sa kanya. Ang gwapo-gwapo din naman nya at ang bait bait saakin. Pero hindi pwede eh. Talagang si brantly lang ang nag iisa sa puso ko. Nakakulong na siya sa puso ko. "Oh bakit ka namumula ka Chloe? Naiinlove kana siguro saakin no?!"pang aasar pang na sabi niya. "Gago to ah!" medyo sinuntok ko si Lance sa kanyang braso, "hoy Lance, hindi tayo talo noh!" "Suntok ba yun? Nangingiliti ka ata eh!" nakangising sabi ni Lance habang nakahawak sya sa braso niya. Kainis lang talaga itong siya. Palagi nalang akong pinag titripan. "Lance, pwede ba ‘wag mo akong binabadtrip, umagang umaga oh!" sabay kamot ako sa ulo ko. "Oh, ayan na pala sina Brantly at Chandler," sabay turo ni Lance saaking likuran. Dahan-dahan akong lumingon patalikod, yung tipong parang slow motion. Pag tingin ko sa likod ay nakita ko kaagad si Brantly. Napa todo smile ako nang makita ko siya.Grabe lang! Napaka gwapo niya talaga. Yung feeling na may mga glitters sa paligid ni Brantly, tapos pag ngumingiti siya, nagiging singkit din siya kagaya ni Lance. Grabe mag hapon ko nanaman siyang makakasama. Kinikilig ako. "Hoy Tibo! Bakit ba kung maka todo smile ka dyan eh wagas?! Nakita mo lang itong si Brantly eh! Siguro may gusto ka sa kanya! Nag papanggap kalang ng tomboy para lang mapalapit ka sa kanya!" pang aasar ni Chandler. Napaka mean nya talaga. "Pareng Chandler, wala namang ganyanan oh, syempre sa tropa walang talo talo. Bakit naman ako magkaka gusto dyan kay Brantley eh, pusong lalaki nga ako. Nag kakagusto lang ako sa babae hindi sa lalaki," mahinahon kong sabi kay Chandler. "Oo nga naman Chandler, tignan mong babae ang trip nitong siJoey eh, by the way, Joey, bili mo nga ako ng burger sa Cafeteria.Nawalan kasi ako ng ganang mag breakfast sa bahay. Grabe si Mommy! Palagi nalang akong sinesermunan!" utos saakin ni Brantly. Syempre ako, tuloy sunod naman ako. Nang I-abot na nya yung pera niya saakin ay bigla nalang akong nakaramdam ng kuryente ng mag dikit yung kamay namin. "Oh, bakit ayaw mo pang bitawan ang kamay ko Joey?" nakataas na kilay na sabi ni Brantly. "Ah, eh, bigla kasing sumakit yung ulo ko eh," pag sisingungaling ko. Hay! Muntik na ako dun ah. "Gusto mo Joey, ako na ang bibili. Diyan kana lang, " sabi ni Lance. Napaka bait nya talaga saakin. "Lance, ano ba!? Hayaan mong si Joey ang bumili. Diba’t yan ang gawain niya sa grupo natin?" nakasimangot na sabi mr. Chandler na masungit. "Ah, oo Lance, ako na saka hindi naman masyadong masakit eh, kaya ko naman." Pag sisinungaling ko ulit sa kanila Tuloy punta naman ako sa cafeteria. Habang nag lalakad ako ay kinikilig parin ako. Grabe lang sa lambot ng kamay ni Brantly. Pero muntik na talaga ako kanina. Mabuti nalang at nagawa kaagad ako ng palusot. *CAFETERIA "Isa nga pong burger," sabi ko sabay abot ko ng pera dun sa babae. Napaisip ako, bakit hindi nag pabili ng drinks si Brantley? Baka mamaya habang kumakain yun mabilaukan sya. Baka mamaya mamatay ang future husband ko, hindi pwedeng mangyari ito kaya dapat ibili ko na din siya ng drinks. "Miss, pabili narin po ng orange juice," sabi ko sabay abot ko ulit ng pera doon sa babae. Libre ko na ito kay Brantly my baby. Tuloy takbo naman ako patungo sa may malaking puno, kung saan palagi naming tinatambayan dito sa school. Maaga pa naman kaya tumatambay muna kami doon tuwing umaga. "Brantly oh, ito na---" napatigil ako sa pag sasalita nang makita kong kasama ni Brantly si Margaux at may dalang isang box na doughnut at hot choco. "Ah sayo nalang yang Joey, salamat nalang, dinalan na ako ni margaux ng isang box na doughnut at hot choco," nakangiting sabi saakin ni Brantly. "Mabagal ka kasi Chloe, akin na nga lang yan. Nagutom ako bigla." sabi ni Lance. "Chloe? Yun ba ang true name ni Joey? " pag tatanong ni Margaux "Oo, Chloe nga ang true name nya. Babaeng babae Noh? Pero tignan mo sya, lalaking lalaking pumorma hahaha!" nakatawang sabi ni Brantly. Ah sige tawa lang Brantly. Kung sa tutuusin nga mas maganda pa ako diyan sa Margaux na yan eh, lamang lang siya ng isang ligo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD