Matapos ang party na iyon ay agad akong nagpahinga. Pinipilit pa ako ni Silas na magsama na lang kami sa iisang kwarto pero hindi ako pumayag. Naisip ko na gusto ko ring magpa-miss sa kanya. Maganda ang naging gising ko. Valentine’s day na ngayon. Akala ko nga ay hindi ako makakatulog dahil sa excitement na nararamdaman ngunit dala na rin siguro ng alak na nainom ko at pagod ay hinila pa rin ako ng antok kagabi. Ang plano namin ni Silas ngayon ay kakain muna kami ng breakfast at magsi-swimming na kami sa beach at dahil sobrang excited ko at ayoko nang bumalik pa rito sa hotel para lang magpalit ay nagsuot na ako ng swimsuit at nagpatong na lang ng cover-up. Makapal iyong cover up dress ko kaya’t hindi rin bakat o kita ang kung anong pang-ilalim na suot ko. Itinali ko na rin ang buhok ko

