CHAPTER 71: KEEP HER SAFE

2570 Words

“SILAS!” “Hi, Silvanus!” Wala akong nilingunan kahit na panay ang pagtawag sa akin ng mga babae. Dumiretso ako kung saan ko nakikita ang mga pinsan ko na tila may kung anong pinagdidiskusyunan. “Bobo! Mali ang sagot mo sa number 5. Dapat ganito. Huwag ka kasing matulog sa klase, Giovanni!” Napailing kaagad ako nang marinig ang pagtatalo nina Gio at Avion habang gumagawa ng homework nilang dalawa. Sina Zavian at Hati naman ay tahimik lamang. “Silas,” pagtawag sa akin ni Hati bago itinuro ang mga babaeng kanina pa isinisigaw ang aking pangalan. “Wala kang natitipuhan sa mga iyon? Kanina pa nila isinisigaw ang pangalan mo. Dude, biyaya na ang lumalapit sa ‘yo parang ayaw mo pa.” Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ni Hati. Wala akong natitipuhan kaya nga hindi ko pinapansin ang mga ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD